Inirereklamong Hoodlum, Kinatatakutan sa Lugar

LABIS NA inirereklamo ng mga tao ang isang “untouchable hoodlum” dahil nagsisilbing umanong banta sa buhay ng mga tao partikular sa mga naninirahan sa isang compound sa Caloocan City.

Ayon sa mga residente ng Dona Consuelo St., ng nabanggit na lungsod, isang Braulio Pido, na kanilang kalugar ang labis nilang kinatatakutan sa dahilang banta sa kanilang buhay at seguridad.

Kapag daw ito ay nasa impluwensiya ng droga, naghahasik umano ito ng sindak at kaguluhan sa kanyang mga kalugar na hindi man lamang makaporma dahil sa pangambang baka may mangyari sa kanilang masama.

Tulad halimbawa sa nangyari sa bahay ni Princess Mchaly, isang babaeng buntis na kapit-bahay ni Pido, sinira umano ni Pido ang harapang bahagi ng bahay ni Mchaly at pagkatapos ay sapilitan umano nitong pinasok ang ng loob ng bahay habang nasa impluwensiya ng droga sa dahilang gusto umano ni Pido na paalisin at angkinin ang bahay ng babaeng buntis.

Dahil dito, ang mga anak ni Mchaly na sina Aramiz Beejay, 1 taong gulang; Aramiz Ryan, 9 na buwan; at Price Karl, 2 taong gulang ay pawang nakaroon ng trauma dahil sa labis na pagkatakot kay Pido.

Si Pido ay nahaharap ngayon sa kasong Child Abuse in relation to RA. 7610 sa Caloocan City Prosecutor’s Office, subalit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itong nakalalaya dahil may nagbibigay umano rito ng proteksiyon na isang opisyal na Caloocan City Hall.

Napag-alamang si Pido ay mayroon umanong mahigit sa 100 kaso na naka-blotter sa kanilang barangay na patunay lamang na si Pido ay isang delingkuwenteng tao. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.