Iniregalo pala sa kapatid: regalong aso ni girl kay boy, ninakaw raw!

NAKAKATUWA ANG KUWENTO ng isang taong nakausap namin sa isang event. Dati raw, magkasama ang isang sikat na personalidad na lalaki at isang mayamang negosyanteng babae sa isang magandang condo. ‘Minahal’ ng girl si boy kaya naman binigyan niya ito ng matatawag nating karangyaan sa buhay. Dahil solido na ang kanilang pagsasama, nagregalo si girl ng isang mamahaling aso na itinuturing nilang ‘anak-anakan’ at parang ito na ang nagsisilbing kasama nila sa kanilang magandang tirahan.

Isang araw, naloka si girl at hindi na niya nakita ang mamahaling aso sa kanilang condo. Nang tanungin niya si boy, ang alibi nito ay nawala raw at ninakaw. Nagtaka si girl paano raw ba ito manakaw eh, nasa loob lamang ito ng kanilang bahay? Isang araw, may nagkuwento kay girl na ang aso daw na kanyang hinahanap ay nakita niya sa kapatid noong lalaki. Ipinang-regalo raw ito ni boy noong birthday ng kapatid niya. Nang usisain ni girl si boy, ang sagot daw nito ay binili niya ‘yun at kamukha lang daw.

(By Arniel Serato)

loading...

2 thoughts on “Iniregalo pala sa kapatid: regalong aso ni girl kay boy, ninakaw raw!

Leave a Reply

Your email address will not be published.