Iniputan sa Ulo, Nagbigti

 

HINDI MATANGGAP ng isang 28-anyos na lalaki ang pag-iwan sa kanya ng live-in partner, gayundin nang matuklasang ipinagpalit siya sa matandang may pera kaya naman nagbigti sa bayan ng Lambunao, Iloilo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Jerson Leysa, tricycle driver at residente ng Brgy. Malag-it, Lambunao, Iloilo.

Ayon kay Chief Insp. Roy Ortigas, hepe ng Lambunao Municipal Police Station, bago nagpakamatay ang biktima ay nagsumbong ito sa kanyang magulang na matindi ang kanilang pag-aaway ng karelasyong si Virgie.

Matapos mag-away, nila-yasan umano ni Virgie at nagtago ito bago umuwi sa kanilang lugar sa Lapuz, Iloilo City.

Dahil dito, naglasing ang biktima at natagpuan na lamang na patay na matapos magbigti sa loob ng kanyang silid.

Minsan na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng paglaslas ng kanyang pulso.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.