Iñigo Pascual, suportado pa rin ni Piolo Pascual sa allowance

Piolo-Pascual-Inigo-PascualNAKATUTUWANG MALAMAN na kahit bongga na ang mga raket sa showbiz ni Iñigo Pascual ay sinusuportahan pa rin siya ng daddy niyang si Piolo.
“Every month pa rin. And he earns his own money, he does make a good living out of singing engagements, tapos may movie pa siya, so talagang overwhelming. And overworked, that’s the compromise, ‘di ba? But at least, he knows na what to prioritize pa rin,” kuwento ng aktor.
Maging ang kinita raw ng anak bilang endorser ng Sun Life ay hindi pa rin ginagalaw ni Iñigo at naka-tseke pa rin ito ngayon.
“Hindi niya alam kung paano niya gamitin, gusto niyang bumili ng kotse, of course, pero I keep telling him na… siguro naman, nakita niya how I saved up through the years, so exposed naman siya sa pagtitipid, exposed siya kung paano maging praktikal. Hindi siya spender, eh. Imagine having that kind of amount early on,” sey pa niya.
Kunsabagay, wala namang dapat pagkagastusan si Iñigo dahil ayon na rin kay Piolo, may bahay raw itong tinitirhan kasama ang mommy niya.
Kasama si Iñigo sa movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ipalalabas ng Star Cinema para sa Valentine’s Day. Siya bale ang magiging ka-love triangle ng Kathniel.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

8 thoughts on “Iñigo Pascual, suportado pa rin ni Piolo Pascual sa allowance

  1. Eh hindi lang naman siya ang may sustento galing kay Piolita. Malamang yung mga hinahada ng ama-amaan niya, nakacharge din sa bank account nun. Hakhakhak!

  2. ma daming mga kabataan na tulad ko ang may buong pamilya pero kapos parin or tamang tama lang pero masaya at kuntento na kami.dapat lang na maging proud si Inigo sa tatay nya dahil lahat ng pa ngangailangan nya binibigay.dapat lahat ng tatay katulad ni Kuya Piolo na hindi pinababayaan ang anak,nanay nya etc.. sana pag dating ng panahon ma ibalik ni Inigo yon sa tatay nya o kahit hindi nalang sa tatay nya sa mga tinutulungan ni kuya Piolo na kahit minsan hindi man lang na ipakita sa TV na dapat tularan ng ibang artista,hintayin nilang may mag kusa at wag piliting mag salita.kaya ako kasama ng pamilya ko ipinagdarasal namin araw araw si kuya Piolo na lalo pa syang pagpalain ng puong may kapal at iingatan sa araw araw.mahalin mo ang mga magulang mo Inigo at hwag mong bibiguin sa mga pangarap nila sayo.god bless sa buong Pamilya nyo!

  3. SI INIGO SISIKAT YAN,KASI SOBRANG TALENTED AND HIS GOOD LOOKS MANA SA PARENTS NYA! GET WELL SOON PAPAp MISS KANA NAMIN SOBRA!

  4. super swerte mo inigo..super bait gwapo pa ng papa mo..at super sikat pa.. pagaling ka Piolo.. bored manood ng ASAP iba pag nandoon ka..

  5. Ang swerte swerte nya na si PapaP ang naging daddy nya,mabait,gwapo at madatung pah we love you PapaP susuportahan din namin ang anak mo hwag kang mag alala.<3

  6. he he panalangin ng mga KUFS sana kumita na ang valentine movie ng star cinema dahil sunod sunod na naman ang ka FLOPAN ng mga Movies nila ay dapat makabawii sila or else,,,,babagal ang pag produce. yan ang balita sa loob hahaha sayang naman maraming mawawalan ng trabaho sa production unit nila he he

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.