Iñigo Pascual, sobrang “touchy” kay Julia Barretto

Julia-Barretto-Inigo-PascualHINDI MAN hayagang inaamin nina Julia Barretto at Iñigo Pascual na “may something” between them ay maganda ang chemistry ng frienship nilang dalawa at saksi kami sa closeness nila sa press launch ng pelikulang Para sa Hopeless Romantic na pinagbibidahan din nina James Reid at Nadine Lustre sa direksyon ni Andoy Ranay na palabas na sa May 13.

Sa presscon, magkatabi ang dalawa. Habang si Iñigo, panay ang tingin sa seksi na kasuotan ng dalaga na super plunging neckline sa haltered black sexy outfit nito.

During the presscon proceedings, si Iñigo, panay haplos sa likurang balikat ng dalaga na kaswal lang ang reaksyon na pakiwari ko ay sanay na si Julia sa pagiging “touchy” ni Iñigo sa kanya.

After the presscon, pinaligiran ang dalawa ng media sa mga katanungan na hindi nila nataitanong during the open forum.

Paliwanag ni Julia sa friendship nila na “best friend” sila ni Iñigo, “He is the person na puwede kong kuwentuhan, iyakan, and anytime of the day, kung gusto ko siyang kausapin, he’s there for me.”

Siguro, dahil sa palagi silang magkasama sa shooting at taping; may teleserye sila sa Dreamscape Entertainment na And I Love You So (na last Saturday nagsimulang mag-taping) naging relax na sila sa isa’t isa.

Tanong nga kay Julia na kung friends lang sila ni Iñigo, hindi kaya siya magseselos kung sakaling may ma-link sa binata or may ligawan ito the fact na “friends” lang sila?

Tumahimik saglit si Julia. Hindi agad nakasagot. Kung marunong kang magbasa sa mga body movements ng mga tao, alam mo na kung ano ang totoo between Julia and Iñigo.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Iñigo Pascual, sobrang “touchy” kay Julia Barretto

  1. hak hak ang pamatay na Kilay pakibawas naman pls……tingnan ninyo si Daniel medyo nagpayos na kay Belo,,hak hak ang ilong ( balita balak ding patapyasah ang panga ) at pinapainom na ng SUPER GLUTHA ni Belo hak hak kaya ang itzu ngayon ni Danielita sala sa puti sala sa itim parang zombie hak hak malaputim ang kulay hak hak

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.