Iñigo Pascual, mas close kay Julia Barretto kaysa kay Sofia Andres

Inigo-PascualAMINADO SI Iñigo Pascual na medyo na-rattle siya nang mabalitaan niya ang tsismis na nag-date si Julia Barretto at si James Reid, na nagpasimula ng tsismis na may “something” ang dalawa. ‘Di nga ba’t lumabas ang tsika na nag-date ang dalawa sa isang coffee shop at nakita pa na nag-kiss sila sa isa’t isa?

Kinumpirma ng binata ni Piolo Pascual kamakailan na nagkausap sila ni Julia sa set ng teleseryeng And I Love You So na ginagawa nila for Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na hindi raw totoo ang pagtatagpo nila ni James.

Mas close siya kay Julia kaysa sa nasi-tsismis sa kanya na si Sofia Andres. “The reason why close kami ni Julia it’s because we oft see each other. Kami ni Sofia, seldom lang kami nagkikita ngayon,” pagpapaliwanag ni Iñigo sa amin sa launch niya as endorser ng Sun Life Financial, kung saan makasasama na niya ang kanyang Papa P. sa naturang proyekto.

Happy ang binata na sa unang pagkakataon, nakasama niya ang ama sa isang show para sa Sun Life Financial sa SM San Fernando para sa launch and campaign nila as a father and son team endorsers.

Kung may chance din lang naman, regular ang bonding ni Iñigo sa ama. Sa katunayan, prior to the event sa San Fernando, nag-overnight ang dalawa sa Clark at du’n muna natulog bago nagtungo sa event venue, at ang sports ni Papa P na biking ay tila naa-absorb na rin ni bagets mula sa ama.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleYaya Dub, pinagtanggol si Kathryn Bernardo sa ‘sakang’ issue
Next articleMarian Rivera, showbiz writer ang bagong biktima ng pagiging isnabera

No posts to display