Ini-enjoy raw ang pagiging single
Shaina Magdayao, idinenay ang pagkaka-link sa iba’t ibang lalaki

 ANG PAGIGING single niya ang nakikitang rason ni Shaina Magdayao kung bakit nili-link siya ngayon kung kani-kaninong mga lalaki. Unang naugnay kay Diether Ocampo at ngayon naman ay kina Rico Blanco at Gerald Anderson.

Naiklaro na dati pa ng aktres na kakilala na niya si Diether mula pa lang nu’ng magsi-mula siyang mag-artista at magakakagrupo sila ‘pag lumalabas dahil sa iisa nilang handler na si Ms. Monch Navales. Ayon nga kay Shaina, kuya ang tingin niya sa aktor kaya malabo ang isyu na nanliligaw ito sa kanya.

Binigyang-linaw rin na matagal na silang magkaibigan ni Rico Blanco at sa pagkakaalam din namin ay may non-showbiz girlfriend ito. Kaibigan din si Gerald at kung nagkakausap man sila sa ASAP, wala siyang nararamdamang anumang pagkailang dahil alam niyang wala silang ginagawang ano pa man. Ayon nga sa aktres, wala siyang number ng aktor kung kaya’t wala silang komunikasyon.

Open sa mga manliligaw, pero hindi sa pakiki-pagrelasyon lalo’t ngayon ine-enjoy ni Shaina ang pagiging single. Naka-pokus ang buong atensyon niya sa pinagbibidahang serye, ang Kung Ako’y Iiwan Mo, na na-extend na ng dalawang beses dahil sa taas ng ratings at mainit na pagtanggap dito ng publiko lalo na ng mga OFW’s sa buong mundo.

 

SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Matteo Guidicelli nu’ng nakaraang presscon para sa SunPiology Run, agad naming tinanong ang aktor sa lumabas na balita na spotted daw sila ni Jessy Mendiola na nagde-date. ‘Di naman dinenay na totoong lumabas sila ng aktres, pero kasama nila ang buong casts at produksyon ng PHR Presents: Paraiso nang mag-taped sila nang long weekend sa Zambales.

Nang tanungin namin kung lumabas pa ba sila ng kapareha pagkatapos nito, hindi ang isinagot sa amin ni Matteo na lumalabas lang na minsan lang itong nangyari.

Hiningan din namin ng reaksyon sa pahayag ni JM de Guzman, nababalitang boyfriend ni Jessy, na may tiwala siya kay Matteo at alam niyang mabuti itong tao. Siniguro naman ng aktor na hindi siya gagawa ng anumang makababastos kay JM lalo’t kahit hindi sila close ay nakikita niya rin sa mga mata ni JM na mabuti rin itong tao.

Hindi naman nagsasara sa tawag ng pag-ibig, pero aminado ang aktor na sa ngayon ay hindi pa siya handa sa bagong pakikipagrelasyon. Hindi rin nakikipag-date sa kahit na kanino, marami lang kaibigan ang aktor na nandiyan sa tabi niya para magbigay sa kanya ng suporta.

Tinawagan at binati ang ex-girlfriend na si Maja Salvador nang mag-birthday ito last October 5, ‘di naman itinago na ‘di pa rin nawawala sa puso niya ang ex-girlfriend, at kung anuman ang naging samahan nila ay mananatiling espesyal palagi para sa kanya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

8 thoughts on “Ini-enjoy raw ang pagiging single
Shaina Magdayao, idinenay ang pagkaka-link sa iba’t ibang lalaki

Leave a Reply

Your email address will not be published.