“Inggit lang sila!” – Mar Roxas

TUMAAS O BUMAGSAK man ang rating sa panguluhan ni Senador Mar Roxas, wala nang urungan ang plano nilang pagpapakasal ng palabang news anchor na si Korina Sanchez.

Masaya ang magkarelasyon ngayon dahil sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, tumaas nang limang porsiyento si Senador Mar, nagbabaan ang rating ng kanyang mga makakatunggali, pero sorpresang tumaas ang rating ng senador na pakakasalan ni Koring.

Maraming nagpapalgay na malaki ang nagawa sa senador ng paglabas nila ni Korina sa Wowowee. Maraming tumuligsa sa kanila sa pagbisitang ‘yun sa show ni Willie Revillame, pero magandang resulta naman pala ang nakaabang sa mambabatas.

Sa mga nagsasabing ginagamit lang ng senador si Korina sa kanyang ambisyon, isa lang ang markadong sagot ni Senador Mar, “Inggit lang sila!”.

Sa isang espesyal na programa kung saan binigyan ng pagkakataong makapaglatag ng kanilang mga plataporma ang mga kakandidato sa panguluhan, wala kaming itulak-kabigin sa galing nilang lahat sa pagsasalita.

Pero mas markado sa amin ang mga binitiwang pahayag nina Senador Mar Roxas at DND Secretary Gilbert Teodoro. Sabi ng sekretaryo ng DND, “Hindi naman ako ang klase ng tao na nakikisilong sa isang bahay pero ikinahihiya ko ang bahay na sinisilungan ko.”

Ang partido ng administrasyon ang tinutukoy ng pulitiko, meron man silang pinagkakadeperensiyahan sa opinyon at prinsipyo ng kanyang mga kasamahan, ayon kay DND Secretary Gibo, hindi maaasahan sa kanya ang mga salitang makasasakit sa kanyang mga kapartido.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

4 thoughts on ““Inggit lang sila!” – Mar Roxas

  1. Kasali s pinagpipilian ko dati si mar r0xas. Ngay0ng naglalandian cla ni k0rina s bu0ng mundo HINDI KO NA SYA IBOBOTO. Napaka plastik pa ng padyak c0mercial nya! Ayoko sa nag gagamitan.

  2. gerrrarddd.. Bakit porket ba nataon ibig sabihin talagang gimik talaga? Yun iba mga bagay maaaring gimik pero yun relasyon nila hindi ilan taon na ba sila? Huwag mong sabihin sina Kiko at Sharon Cuneta gimik din may 2 anak na sila gimik pa rin ba yun? LMAO

  3. hay naku! ginagamit lang ni marya si koring no. bakit di ginawa yang kasang na yan noon pa. sus, kala nila tanga ang taong bayan. pwede ba wag nang magpaloko sa mga politikong nagpapakashowbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.