Pulandit: Ingatan ang Paghawak sa Sensitibong Kaso

SARADO NA ANG pintuan ng Commission on Elections para sa pagsasagawa ng manual counting tulad ng gustong mangyari ng Makati Business Club, Financial Executive Institute of the Philippines at Management Association of the Philippines.

Kung si Commissioner Gregorio Larrazabal ang tatanungin, hindi na dapat pang ipinatupad ang automated elections kung marami rin lang ang gustong magkaroon ng mano-manong bilangan.

Pinayagan na umano ng Comelec ang random manual audit ng limang presinto sa lahat ng distrito sa buong bansa kung kaya wala nang dapat ikabahala ang mga botante.

Ang gustong mangyari ng grupo ng mga negosyante, bukod sa PCOS machines ay dapat ding magkaroon ng manual counting kahit man lamang sa pangulo, pangalawang pangulo at sa mga alkalde upang matiyak ang kredibilidad ng eleksiyon.

Tanong, paano kung magkaiba ang resulta ng automated counting sa manual counting? Hindi ba ito lalong magpapagulo sa sistema?

Basta ang apela ng mga botante, huwag lang magkakaroon ng hello garci dot com, kahit de pidal pa ‘yang PCOS na ‘yan, payag na kami

DAPAT HINDI SUMIRA si acting Justice secretary Albert Agra sa sinabi niyang handa niyang baguhin ang kanyang desisyon kapag may lumabas na bagong ebidensiya at bagong testigo.

Sa paglabas ng umano’y dating civilian volunteer ng mga Ampatuans, sinuportahan nito ang pahayag ng unang testigong si Kenny Dalandag na kanya ring nakita sina Governor Zaldy Ampatuan, senior at ang pinsan nitong si Akmad habang pinaplano ang krimen sa bahay nito sa Shariff Aguak.
Sa mismong bahay ni Andal Ampatuan Sr. umano naganap ang meeting noong Nobyembre beinte dos, alas-onse ng gabi, isang araw bago mangyari ang karuma-dumal na krimen noong Nobyembre beinte tres taong two thousand nine.

masyadong sensitibo ang isyung ito na talagang binabantayan ng bayan kaya dapat maging maingat ang mga hahawak sa kaso.

kung mapapawalang-sala ang mga Ampatuan, okey lang iyon kung talagang naiharap na sa trial proper ang ebidensiya at kontra-ebidensiya.

Ang sistema natin dito, guilty beyond reasonable doubt ang dapat, hindi ang anumang emosyon ang paiiralin.

Mas madali itong tanggapin kaysa nakaupo ka lang sa isang opisina at maglalabas ka ng sarili mong pasya.

Katulad ng palagi kong sinasabi, mas okey nang magpalaya ng isang daang guilty kaysa magkulong ng isang inosente.

allanpunglo@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.