Ingat na ingat sa pagkababae
Rachelle Ann Go, nagkabukol sa lalamunan dahil sa nota!

IBINULGAR NI Rachelle Ann Go na kaya raw ‘di nagtatagal ang kanyang relasyon ay dahil sa iniingatan niyang pagkababae. In short, virgin pa rin siya hanggang ngayon kahit na naka-tatlong boyfriend na siya.

Pero wala naman daw siyang pinagsisisihan sa mga naging relasyon na laging nauuwi sa hiwalayan. Basta ang importante raw sa kanya, maging malinis hanggang sa iharap siya sa altar ng mapapangasawa.

Ngayon, may panibago na naman siyang hinaharap na problema. Hindi sugat sa puso kundi sa bukol na tumubo sa kanyang lalamunan.

Nag-alala nga raw ang doctor ni Rachelle sa katatapos na concert ng singer dahil sa kundisyon ng kanyang vocal chords. Matagal na raw sakit ni Rachelle ang bukol sa lalamunan.

Sabi, dulot daw ito ng stress at puyat kaya nagkaroon ng bukol ang lalamunan ni Rachelle. Minsan daw ay nati-trigger ito kapag inaabuso niya ang pagkanta ng matataas na nota.

Patuloy ang pag-inom ni Rachelle ng gamot at iniiwasan niya na ma-stress at mapuyat  nang todo. Hindi pa naman daw nire-require ng doctor niyang operahan na ang lalamunan. Pero bilin na pagkaingatang mabuti para ‘di lalong lumala ang bukol sa lalamunan.

Sa katatapos niyang concert, inamin ni Rachelle na hindi kumita ang isang gabi niyang concert kaya gusto niya itong masundan kahit na malaking factor ng sakit niya ang pagpo-produce ng sariling concert para kumita naman daw siya.

Nagpasalamat si Rachelle sa mga kaibigan niya na sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at ex-boyfriend na si Christian Bautista na lumabas nang libre sa concert niya.

 

PINAGNANASAAN PALA ni Alden Richards ang kissable lips ni Anne Curtis. Hindi nga naitago ni Alden na gandang-ganda siya sa actress. Kung nagkataon na magkasama sila sa iisang TV network, ‘di raw siya mangingiming mag-request na magsama sila sa isang project.

Pero malabo na magsama sila sa teleserye pero posibleng magsama sila sa isang pelikula kung magsasanib sa pagpo-produce ang Viva Films at GMA Films.

Sabi ni Alden, ang katangian daw ni Anne ang hinahanap niya sa isang babae. Pero hanggang paghanga lang ang puwedeng gawin ni Alden dahil pinagbawalan daw ang actor ng Kapuso Network na na magkaroon ng girlfriend.

Sa dami ng blessing at accomplishment ni Alden sa tulong ng GMA 7, kaya wala raw siyang gagawin kundi sundin ang pinag-uutos ng network.

Wala na raw siyang mahihiling pa sa ginagawang pangangalaga sa kanya ng Kapuso Network, kaya sobrang pasasalamat at magiging loyal sa home studio.

Samantalang hindi inaasahan ni Alden na magiging recording artist siya dahil ‘di naman daw maganda ang boses niya. Kaya naman para ‘di mapahiya sa Universal Record na siyang nag-produce ng album niya, nag-aaral siya ng voice lesson para ‘di naman mapahiya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

 

SA PAG-GUEST ni Paolo Contis sa talk show ng GMA 7 last Saturday, sinagot na rin finally nito ang mga paratang sa kanyang ng estranged wife na si Lian Paz na kesyo diumano ay may third party involved sa hiwalayan, na magulong mag-handle ng finances ang actor, magastos, hindi nagbibigay ng pera,hindi nagbibigay ng sustento sa mga bata, at iba pang akusasyon.

Wala raw third party sa hiwalayan nila. Pangalawa, inamin niya na may kinakaharap siyang financial problem, pero aniya, hindi naman daw ito ang sukatan ng pagkatao niya.

Tinawag din niyang mangmang ang mga taong nagsulsol daw kay Lian tungkol sa diumano sa pagiging maluho niya nang magpunta ng Amerika.

Itinanggi rin ni Paolo ang paratang na hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak. Pero aminado siya na minsan ay nade-delay lang daw dahil may mga binabayaran pa raw siya.

Sabi pa niya na sana raw ay magpag-usapan na lang nila ni Lian ang problema at huwag nang daanin pa sa telebisyon.

Mensahe niya kay Lian: “Hope we can talk soon for the kids. Ayoko ng away, ng gulo. Hindi ko naman style na mag-away sa telebisyon. Sana maayos natin in private.”

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

27 thoughts on “Ingat na ingat sa pagkababae
Rachelle Ann Go, nagkabukol sa lalamunan dahil sa nota!

  1. NAKU NAILABAS NA MGA VIDEOS SA YOUTUBE NG CONCERT! JUSKOH NAMAN RACHELE ANG CHAKACHAKA NG SET MO. DUH!  YAN BA PINAG GASTUSAN MO?  HALATANG DINAAN NA LANG SA ILAW. LIBRE NA NGA APEARANCE  NG GUESTS MO NALUGI KA PA. HAHAHAHA! 

  2. SI GINA AT CAMGS IISANG TAO LANG GINAGAGO SARILI NYA HAHAHAHAHA TARANTADO KA LAKI MUNG TANGA! HAHAHAHAHHA PATI TIME LINE NG MGA COMMENT MO HALOS SABAY VOVO!!!! PALIT KA ULI NG NAME HAHAHAHAH ATARANTADO GINAGAGO MO SARILI MO OGAG

    • Pardon? Don’t you have any common sense? What you just said says what it really is. “PATI TIME LINE NG MGA COMMENT MO HALOS SABAY” Kung sabay ang time ng comment namin kung sino man po si Gina, e’ malamang hindi kami iisa. Oh man! Utak please? Tonta! I’m ready to show up myself. I am not Gina, you idiot. I don’t just change my name. HAHAHA! Moron! Ikaw nga hindi mo maipakilala sarili mo, what’s the main reason? Lol. Think first, para hindi mapahiya. Okay?

  3. Just because SOLD OUT ang concert, does not mean na kumita eto. From a producer’s point of view, baka nalugi si Rachelle kasi mas malaki ang production cost niya over the gross receipt ng kanyang ticket sales.

    • That’s true. It’s hard to prooduce kasi sumusugal ka. Lalo pa’t the venue of the concert is small, tapos one night lang.

      • It was her dream to produce her own concert and I guess she knew the consequences. Regarding the venue, she chose the place because she wants to be closer to her audiences and not like other artists who want to perform in big coliseums just so they can prove to everybody how “sikat” they are. 

  4. aw… sana gumaling nah :] tama kau jan dpat isa pang CONCERT.. ahahahha.xD

     weLaBbyo0 ateh SHIN :)

     gudluck sa audition sa ms.SAIGON :] <3 <3 <3

  5. hay naku rachelle what happened to you???!!!! LAOS kana neng…. sayang ang ginawang pagbubuild up sayo ng dos nyaon isa ka nalang STARLET na singer…. aya self produce concert ka ngayon panu walang gustong mag take ng risk na i pagproduce ka ng concert kc alangan pang mabalik for sure ang puhunan with your status righ now na parang struggling singer ka again hahahahahaha ayan napapala nyong dalawa ng bekbek na si mark bautista after leaving abs cbn NGANGA KAYONG 2 NGAYON TAOB PA KAYO NI ANGELINE QUINTO AHAHAHAHA SABAGAY WITH HER AROUND WHO NEEDS YOU IN ABS CBN HAHAHAHAHAHHA KAYA BUTI NGA SA INYONG 2 NI MARK HAHAHAHAH

    • The only reason you say na laos na siya is because you don’t see her perform. Well, duh sa kitid ba naman ng utak mo malamang hindi ka nanonood sa gma dahil akala mo cheap yun. Well, hindi. In fact, naging LEAD nga siya sa musical na The Little Mermaid eh. Atleast siya, she took the risk of producing her own concert kasi dream niya yun. eh ikaw? May dream ka ba? Siguro wala. Kasi puro panlalait ginagawa mo. And struggling singer? How could you say that? Do you have a proof? Pathetic.

    • It was her choice to produce her own concert. Because she wanted to perform/do everything that she want to show her fans, the people. How can you say na laos? Duh! Can’t you open up your eyes? Don’t be unbiased, will you? You can never tell na laos ang isang artista, kung hindi mo naman talaga alam ang mga ginagawa nya, :]

    • DUH! SANA GINA AT CAMGS EH NAHIBA KA NG PATTERN N G PAGGAWA NG SENTENCE DUH NAPAGHAHALATAANG IISANG TAO KA LANG DUH! SINUNG GINAGO MO BOBO!!! ANUNG CHOICE NYA? OGAG WALA NA KASING GUSTO MAGPRODUCE SA MGA HASBEEN AT LAOS NA TULAD NG STARLETNYONG INIDULO VOVO!!! ALAM NG PRODUCERS NA MAHIRAP MABALIK PUHUNAN NILA TANGA!!!! DUHAS IF NAMAN RAMDAM NG MADLANG PEOPLE YUNG PINAGSASABI MONG MUSICAL NYA HAHAHAHAHA VOVO!!!!! DUHHHHHH

      • Excuses! If you think that Gina and I were one. Better think again! Kasi kung tanga ka talaga, o walang common sense, you won’t understand. Kung iisang tao lang ako, iibahin ko yung comment ko sa nauna, at iibahin ko sa susunod pa. Sino ba ang naman ang magcocomment ng dalawang beses stating the same? HAHAHA! You can be a jerk comedian! Lol

    • bakit? sikat ba si Angeline?? pareho kayo ni angeline mga feeling sikat. eh hindi naman sikat. kahit hindi bumibinta ipinilit pa rin ng abs cbn. eh ang totoo wala na man maraming crowd na nag iidolize ni angeline. feeling sikat  hindi na man. laos ka na feeler na angeline

  6. What is this piece of shit? Wala ka bang magawa kaya sinulat mo to? Anong klase kang writer? You display an attitude that’s so cheap. Did you write this just so you can earn? Now, that’s a DIRTY way of earning. I am commenting regarding this because of how you wrote this bullcrap. You should’ve have read what you wrote before even posting this. You are pathetic! How could you even say that her concert did not earn? Well, in fact, it was SOLD OUT. And by the way, binabastos mo ang isang taong wala namang pakialam sa iyo. Ano bang ginawa ni Rachelle sa iyo? If only the Cybercrime Law was passed, you would be living in the cell right now. God bless you and your unholy soul. Have a great day!

  7. A REAL WRITER writes to express the fact,NOT TO IMPRESS! Oh,anyways nobody will actually get impressed with this article of yours sir! You should have chosen terms that will make this one wholesome and presentable to the readers..and FYI,her concert did great..SOLDOUT pa nga po eh.AND I don’t get it why you have to discuss her virginity..that doesn’t sound good to d readers at all..And this made me think that you’re her hater..To sum it up,PLEASE BE RESPONSIBLE ENOUGH on what you are writing..I’m sorry also for losing my respect towards you.Godbless you.

  8. Good Day Mr. Article Writer. Just a piece of comment. As a broadcasting student, I can’t say that this article is a good example for us. Writers MUST be VERY CAREFUL and UNBIASED  in writing. I just notice that you had chosen a Not-So-Good terms. The concert was great, really. You should have known it though malaki talaga ang nagastos ni Shin, of course she produced it. But I just don’t get it why you started the article including her past relationships and her virginity? Just want to know why. No bad intentions :]

  9. Excuse me po manong Gerry, FYI lang po, SOLD OUT ang concert nya last Oct. 26! Sana nanonood ka ng nalaman mo kung ano ang kumita sa hindi kumita. And of course, hndi nman pakawalang babae si Rachelle Ann kaya’t virgin pa rin sya hanggang ngayon. Pero as much as possible, respeto nlang! Respetuhin mo ang kapwa mo lalong lalo na ang Sarili mo!

  10. Idol Rachel, magpagaling ka at ingatan ang health.  Sa panahon ngayon bihira na talaga yung mga babaeng reserve at naghihintay at di basta2 atat na magka love life! Kahanga hanga ang mga babaeng katulad nyo lalo na sa showbiz! Kaya gustong gusto ko kayo ni Sarah G. Still in tact ang values at mahal ang pamilya. Darating din yung perfect time na ibibigay din sa inyo ang RIGHT man na kapareho ng views at values nyo sa buhay. at magiging complete talaga ang happiness nyo..huwag na pansinin ang mga bashers na walang masabing matino! at itong article na to title na to ang sagwa!pwede mr writer pkiayos nmn?.sige ka baka mawalan k ng credibility nyan! peace!.

  11. PARANG GINAWA NAMANG BASTUSING BAKLA SI RACHELLE ANNE GO HEHE! NOTA? NOTANG MUSIKAL AT HINDI NOTANG P[ANG KALIGAYAHAN

  12. title palang Lowsy na.. ang writer na ito ay mukhang basto… hndi marunong rumespeto sa tao.. never babasahin ang article mo manong gerry.. you suck,, ang impormasyon mo ay maling mali,,, sino nagsabi sayo na hndi kumita? hndi ka mukhang writer,, nanghuhulaka manung gerry.. lhat nang nilalathala mo dpat punthan mo,, manuod ka ng concert ni rachelle at nang malaman m kung kumita,,,SOLD OUT lang nmn ang concert nya,npaka tanga mo nmn,bkit mag kakarepeat kung hndi kikita?sino nmn mag produce nun???non sense ang column mo,,, 

  13. napakawholesome naman ng title ng article na ito. alam kasi ng writer na hindi papansin ng ibang readers ang isang forever second on the list na si rachelle ann go kaya kahit double meaning ang titulo ng artikulo go lang ng go kahit may kabastusan na. kawawang rachelle ann, till now supporting lang kahit nakapagsolo concert na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.