Industriya ng Bakal, Isusulong Tungo sa Ligtas na Transportasyon

PAGSULONG TUNGO sa ligtas na paraan ng transportasyon ang naging tema ng ginanap ngayong M&E (Metals and Engineering) Conference na pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST)-Metal Industry Research and Development Center (MIRDC).

Ang nasabing ahensya ang siyang responsible sa pag-aaral at pagsasaliksik tungkol sa mga produktong maaaring makuha sa bakal at kung paano ang mga ito makatutulong para sa ikauunlad ng bansa.

Uminog ang kumperensya sa paglikha ng ligtas na mass transport system gaya ng tren, atbp. upang maibsan ang labis na trapik sa mga kalsadang gaya ng EDSA.

Batay sa bahagi ng talumpati ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Corazon Tecson-Jimenez, kailangan ng mga dalubhasa sa bakal at engineering upang makalikha ng mga karagdagang mass transport system para mabawasan ang trapik.

“Malaki ang demand sa mga naipo-prodyus na produktong bakal at engineering,” ayon kay DOST Sec. Mario G. Montejo.

Nais naman raw makipagtulungan ‘di lang sa dayuhan na mamumuhunan ang pamahalaan, pero mas uunahin muna nila ang kapwa Pinoy at bukod sa land transportation, pagtagal ay maaari na rin silang mag-aral para i-upgrade ang ating sea at air assets, ayon pa kay DOST Asec. Robert O. Dizon, OIC ng MIRDC.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.