Indonesian, napagtripan; tinusok ng 2 lasing

NALIGO SA sariling dugo ang isang Indonesian national matapos mapagtripan ng mga nag-iinuman at saksakin sa General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Danny Cawa, 20-anyos, isang mangingisda at nakatira sa 2nd Road, Purok Christian, Calumpang ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinawag umano ang biktima ng grupo ng kalalakihang nag-iinuman na sina alyas Tisoy at alyas Pepito o alyas Dodong Armada.

Pagkalapit ni Cawa ay bigla itong pinagsusuntok ng mga suspek at sinaksak ng maraming beses dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon at pinaghahanap na ng pulisya ang dalawang suspek.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.