Indie gay actor showing frontal nudity is a minor?

SI JC DE Vera ang kailangang magsalita sa bagong alitan nina Ms. Annabelle Rama and Ms. Wilma Galvante.

Personal naming narinig ang kuwento ni Ms. Annabelle sa supposedly na nangyari sa story conference ng Obra kung saan umiyak daw na nagsumbong si JC nang ‘ma-gang-up’ siya sa opisina ni Ms. Wilma. Lahat ito, kuwento kay Ms. Annabelle ng ina ni JC at ang alalay na kasama ni JC sa said story conference. Nakatanggap din kami ng letter ng GMA Corp Comm regarding the side of Ms. Wilma kung saan kaya naman daw naiyak si JC ay dahil na-pressure ito nang tinawagan siya ni Ms. Annabelle para i-pull out sa Obra.

Your word against mine ang labanan ng dalawang powerful ladies ang nangyayari at isa lang ang makapagbibigay-linaw dito; si JC mismo. He should come out and explain kung aling kuwento ang totoo. Remember, talagang may karapatang magalit si Ms. Annabelle kina Ms. Wilma kung totoo nga ang kuwento ng ina at alalay ni JC. Kaso nga, ibang-iba naman ang version ni Ms. Wilma at collaborated din ito ng ibang witnesses.

May isa pa kaming gustong ma-klaro: is it March 14, 2009 or March 14, 2010 ang expiration ng latest contract ni JC?

KINU-KUWESTIYON ANG EDAD ng isa sa mga maghuhubad sa Booking.

Gay-themed indie movies are so in nowadays kahit hindi mga tunay na producer, nagpu-produce; walang alam sa directing, nagdi-direk; at hindi manunulat, gumagawa ng screenplays. Sabagay, hindi nga mga artista ang karamihan, tinatawag ngayong actors kasi nga nasa indie movies sila. Anyways, may pagpipiyestahan na naman ang mga bading this February 24 sa UP Theater as Booking, ang gay version ng Bona, ay magkakaroon ng director’s cut premiere bago ang regular run this March 4.

It stars award winning actor Emilio Garcia at ang frontal-nudity king na si Marco Morales kasama pa sina Mercedes Cabral, Anita Linda at Snooky Serna. Bukod kay Marco na nakita na yata ng lahat ng bakla sa buong Pilipinas ang bird, may isa pang magpu-frontal, ang baguhang si Charles Delgado. Say sa pralala, the 18-year old newcomer plays a 16 year old callboy, operative word doon ang tunay na edad supposedly ni Charles na 18. Pero ‘eto na, may nagsasabing tunay na 16-year old lang daw ang bagets.

Ay, ayaw ng mga moralista ng ganiyan. Baka magkahulihan sa sine, afraid!

KLARO NA SA GMA-7 ang usapang leakage na naman daw sa Survivor Philippines II.

We’re not supposed to talk the aftermath of the coffee meeting namin with SP director Monti Parungao pero dahil request ng aming friendship na si Ambet na mag-ingay kami sa first issue namin sa Pinoy Parrazi, write na rin namin. Magsisimula pa lang kasi ang audition nationwide ng second season ng SP, aba, may nakausap kaming kaibigan na nagku-kuwento na may isa na raw sa mga bagong boys na pinakilala sa isa pang indie movie na Sagwan ang sure nang pasok, assured na rin ng director daw.

Of course alarmed kami bakit may ganoon agad so we wrote it early last week pero pa-blind lang. Nabasa ito sa Kapuso network at pinag-explain si Monti dahil siya lang ang nagku-connect sa SP at Sagwan being the director of the two projects. Nagkausap kami ni Monti and this is his explanation. Ang co-manager nu’ng guy, ‘yung tipo ng tao na pag-uusapan pa lang, final nang ikukuwento sa iba. Nilapitan daw siya noong manager at nag-ask kung puwedeng mag-audition ‘yung guy at sabi ni direk, oo.

Pero ang kuwento ng hindi naman kadaldalang manager, say daw ni direk, pasok na ang boy. ‘Yan muntik nang mapahamak ang director.

Merese
by Dinno Erece

Comments are closed.