Indie actor, natulala nang laplapin ni Arnell Ignacio!

HOW TRUE KAYA ang nasungkit naming balita na natulala daw ang baguhang indie actor na si Kenneth Salva para sa indie film na Bola sa torrid kissing scene nila ni Arnell Ignacio, dahil tinotoo at sinibasib daw ni Arnell ang labi ng new comer?

After nga raw ng nasabing eksena na tumagal ng ilang minuto, kitang-kita sa mukha ng hunk actor na mula pa sa Davao ang pagkatulala. Tsika nga ng isang mahaderang bading na baka raw natulala si Kenneth dahil hindi nito inakalang ganu’n kagaling humalik si Arnell.

Ang laplapan na iyon din daw marahil ang dahilan kung bakit nagustuhan ni Arnell si Kenneth na balitang bagong kinahuhumalingan nito ngayon at kapalit ng Japinoy hunk na si Susuki Sadatsugu na ngayon ay nasa Japan na at isa nang construction worker at waiter.

Ang tanong, kung si Suzuki ay napabalitang niregaluhan ni Arnell ng mga expensive gifts, ano naman kaya ang ireregalo nito kay Kenneth? Biyahe sa ibang bansa? Mamahaling alahas? Mamahaling sasakyan/ motor? ‘Yan ang ating aalamin sa mga susunod na kabanata. ‘Yun na!

 

HINDI NAGING MAHIRAP para sa napakabait na host na si Kuya Boy Abunda ang magdesisyong iwan at ipaubaya na sa kanyang mga loyal na tauhan ang kanyang talent management company, ang Backroom, Inc.

Ang rason daw ng pag-alis ni Kuya Boy sa pamamahala ng kanyang talent management ay ang pag-aalaga at pagkakaroon ng mas maraming oras para sa kanyang pinakamamahal na ina na ngayon ay may sakit.

Tsika pa ni Kuya Boy, handa niyang ipagpalit ang lahat ng meron siya sa buhay para sa kanyang ina, kasama na ang kanyang blooming career bilang host. Ibinigay raw ng kanyang ina sa kanila ang buong pagmamahal at pag-aaruga, kaya naman daw ayaw nitong mawalan ng oras sa pag-aalaga sa kanyang mahal na mahal na ina, lalo na ngayon at may sakit ito.

 

BUKOD SA KA-LOVETEAM na si Kim Komatsu, type rin daw ng future matinee idol na si Hiro Magalona ang ka-loveteam ng kanyang pinsan (Elmo Magalona ) na si Julie Anne San Jose.

Feel daw ni Hiro ang magandang height, morenang kutis at boses ng singer/actress, everytime nga raw na nakikita ni Hiro si Julie Anne sa Party Pilipinas ‘pag may guesting ito, hindi raw nito maiwasang mapangiti.

Pero tsika ni Hiro, hindi naman daw porke’t crush niya si Julie Anne ay liligawan na nito ang young singer/actress, dahil alam naman daw nito na ka-loveteam ng kanyang pinsan si Julie Anne. Wala naman daw sigurong masama kung humanga siya sa magandang dilag na nagtataglay ng mala-anghel na tinig. Tama!

 

AFTER MAMAYAGPAG ANG career ng ilang SexBomb Dancers na ngayon ay meron ng solo projects like Sunshine Garcia (Banana Split ), Mia Pangyarihan (Party Pilipinas, Amaya), Aira Bermudez (Party Pilipinas), Louise Bolton (Time of My Life, Party Pilipinas at sa mga musical play), isa na namang miyembro ng SB ang magkakaroon ng solo show sa telebisyon.

Ito ay ang newly-married na si Izzy Tirazona na butihing maybahay ng Starstruck Alumni na si Alvin Aragon. Tsika nga ng Focus E CEO/President at kaibi-gang Joy Cancio, isang maganda at malaking TV project daw ang sasamahan ni Izzy, pero ayaw pa raw nitong i-reveal dahil baka ma preempt . Tsaka na lang daw ‘pag nagti-taping na si Izzy na isa sa maituturing na nakakaarte among SB Girls.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Indie actor, natulala nang laplapin ni Arnell Ignacio!

  1. ha ha ha , ayaw lang kahadlok dong kenneth, go lang nang go, basta sure ka sa kaugalingon nimo nga straight man ka, oks?

  2. kasal na pala si izzy..isa pa naman siya sa magaganda sa sexbomb at orig member..kaya lang bakit kay alvin pa eh parang barumbado yun…sa pagkakatanda ko ahhh!

  3. Mahilig pala talaga si Arnell sa chinito. John, i-update mo naman kami s amga regalo ni Arnel sa bago niyang papah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.