Indie actor Marco Morales, nagnakaw nang TV sa isang motel?!

NALOKA NAMAN kami sa napanood naming balita sa Bandila. Last Tuesday daw ay isang Marco Gonzaga Saca ang diumano’y tumakas sa bayarin nito sa isang motel sa Pasay. Ten thousand plus daw ang bill nito pero tumakas ito sa pagitan ng pagpapatakbo ng kanyang sasakyan palabas ng motel kahit anong harang ang ginawa ng mga staff nito.

Ayon pa sa ulat, nakailang beses na raw pala itong ginawa ni Marco, at iniuwi raw nito ang TV set sa loob ng kuwarto.

Kinilala raw ng pulisya ang suspect na si Marco Gonzaga Saca o mas kilala sa pangalang Marco Morales. Ayon pa kay Insp. Joey Goforth, chief of the Pasay Police Criminal Investigation Division, “Sinabi niya na sige bababa ako to settle the bills. Noong bumaba siya, nagkaroon ng commotion, kasi itong suspect natin, he boarded ‘yung sasakyan niya.”

Nahaharap daw ngayon sa kasong Estafa, Theft, Damage to Property and Attempted Homicide si Marco.

Sa parehong ulat, sinabi nitong si Marco Gonzaga Saca at Marco Morales, ang indie artist na nakailang pelikula na rin ay iisa.

Tinext na namin si Marco pero as of presstime hindi pa ito sumasagot.

 

TINUTUKAN NAMIN ang pilot episode ng Sunday All Stars ng GMA-7. Pero wala naman palang nabago, title lang at set.

Same old faces, same old production numbers, same old formula.

Ang bago lang siguro ay ginawa itong contest sa loob ng show. Pero marami nang gumagawa nito. Hindi na rin naman kinukuwestyon ang galing ni Christian Bautista sa pagkanta pero hindi talaga para sa kanya ang pagsayaw. Don’t get me wrong friend, ha? Kanta na lang huwag nang sumayaw.

So, pagbigyan na natin kasi unang sultada pa lang naman nila. Goodluck sa second episode.

 

HINDI NAMIN kinaya ang tsikang nakarating sa amin, ha? Ito raw kasing si Mr. Fu ay may girlfriend. Okay lang, keribels naman kasi sa panahon ngayon na may mga gay talagang gusto ring bumuo ng pamilya. Pero ang ikinawindang namin ay hindi lang daw isa, hindi dalawa, kundi more pa and still counting.

So tinext namin si Mr fu regarding sa balita, Sabi niya, “‘Naku huwag mo nang sabihin kung ilan ha? Baka maloka ang mga involved. ‘Di naman lahat official gf. Afraid.”

Sa tanong kung may boyfriend ba siya sa ngayon, sabi nito “Wala ako bf. basta may gf ako and still counting. Chos !!!!”

Huling hirit pa nito sa amin, “Nauna pa ako kay Charice maging tomboy! Chos!”

May mga nagsasabi ring nanunulay ngayon sa pagtitimbang si Mr. Fu tungkolsa kanyang gender preference, kung ano ba talaga ang gusto niyang tahaking landas – ang mag-end up with a lady in red or with o guy partner? Since happy and proud naman siya being gay or lesbiana na ‘ata, eh ‘di go lang. Wala na raw akong masabi. May gano’n?

 

KASALUKUYAN PANG nasa bakasyon sa Europe si James Yap ngayon at kita naman sa kanyang mga larawan sa Instagram na happy ito sa mga pinapasyalan nitong mga magagandang tanawin doon katulad na lang ng mga simbahan.

Kahit hindi niya kasama ang anak na si Bimby kahapon bilang Father’s day, tiyak naman na sooner ay magkikita na rin ang mag-ama.

O siya, belated Happy Father’s Day sa mga ama sa buong mundo!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

4 thoughts on “Indie actor Marco Morales, nagnakaw nang TV sa isang motel?!

  1. Sorry ha pero I tried searching yung address Nya sa I.D Nya pero Hindi ko masearch. Malibu hills Hindi po 90210 ang zip code ditto sa California. 90210 zip code is Beverly Hills. Baka sakaling fake po yung I.D. At Baka talagang Hindi sya yung NASA motel? 

    Baka may gumagamit Lang nang fake I.d? 

  2. KASI NAMAN HINDI NA LANG PUMASOK NA MACHO DANCER ANG MARCO NA ITO SA GAY BAR TIYAK NA YAYAMAN SIYA DAHIL SA PAGIGING FRONTAL NUDITY KING NIYA, SIGURADONG BEBENTA YAN SA MGA MAYAYAMANG BADIDANG SA SHOWBIZ INDUSTRY HAHAHAHAHAHA!

    ANO BA TALAGA MR FU, ANO BA TALAGA GUSTO MO HOTDOG AT ITLOG O MANI? HAHAHAHAHAHAHA!

  3. KALOKAH NAMAN ITONG SI MARCO MORALES. MAY APARTMENT SA MALIBU HILLS SA CALIFORNIA, TAPOS, NGAYON EH DI MAKABAYAD SA HOTEL AT NAGNAKAW PA? HAHAHAHAHA. TEKA, BAKA MGA BEKI LANG ANG NAKAKAKILALA JAN KAY MARCO MORALES A.K.A. FRONTAL NUDITY KING. MGA BEKINESE, PAKI-INTRODUCE NGA SA MADLANG PEOPLE ITECH. HAHAHAHAHA

    MATAGAL NANG NILOLOKO NG MGA CO-HOSTS NYA YANG SI MR. FU SA “ANG LATEST” TUNGKOL SA GF EK-EK NYA. TRULILI BA YAN? SABAGAY, USO NAMAN YAN. 

  4. Kung ano man ang nangyayari kay Marco Morales, sana maayos niya ang buhay niya. Sayang pa naman siya magaling umarte.

    Kaloka ka Mr.Fu… ano ka ba talaga? Lalaki, Babae, Bakla o Tomboy… O WALANG KASARIAN. Di ko mawari preference mo teh! =))

Leave a Reply

Your email address will not be published.