Indian national, sugatan sa riding-in-tandem

SUGATAN ANG isang Indian national nang putukan ng isa sa dalawang hindi pa kilalang suspek sakay ng motorsiklo habang ang una ay angkas sa motorsiklo sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala kaliwang binti si Captein Singh, 29 ng Obando, Bulacan.

Sa ulat, alas-11 ng uma-ga, angkas ang biktima sa motorsiklo na dala ng pinsan na si Darryl Singh at pagsapit sa Parada ng lungsod ay sinabayan at pinutukan ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay dinala sa VGH.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.