Indian National, Inutas sa Paniningil ng Pautang

MAY KAUGNAYAN sa trabaho o negosyo ang pangunahing anggulo na sinisiyasat ng mga awtoridad sa brutal na pagpaslang sa isang Indian national sa Nagassican, Santiago City.

Nagtamo ng 11 tama ng bala sa katawan ang biktima na nakilalang si Shander Suba, 37, residente ng Rosario, Santiago City na naisugod pa sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Natagpuan ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala ng caliber .45 na baril.

Ayon sa pahayag ni P/Supt Victorino Valdez, public information officer ng Santiago City Police Office (SCPO), patuloy pa ang kanilang pagsisiyasat para matukoy ang tunay na motibo at kung sino ang nasa likod ang pagpaslang sa biktima.

Batay sa pagsisiyasat ng SCPO, lumalabas na si Shander ay naniningil sa kanyang mga pautang sa isang sari-sari store sa Brgy. Nagassican nang barilin siya ng maraming beses ng dalawang lalaki na lulan ng isang XRM motorcycle na kulay pula.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, nakasuot ng helmet at jacket ang driver ng motorsiklo habang nakasuot ng bullcap ang kanyang backrider na agad tumakas matapos ang pamamaril sa Indian national.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.