Indian, Nabiktima ng Hamog Boys; P88K-Halaga ng Kwintas, Pinitas

TINATAYANG NASA P88,000 ang halaga ng kwintas na natangay ng mga hinihinalang “hamog boys” mula sa isang Indian national.

Base sa pahayag ng biktimang si Manikandan Crisna Morti, kabababa lang niya at ng employer na si Reynald Abel mula sa Metro Rail Transit (MRT)-Ortigas station nang biglang hablutin ang suot niyang kwintas.

Isa namang lalaki ang nagbanta na kung manlalaban sila ay papatayin umano sila ng mga ito.

Dahil sa takot, umalis kaagad sa bansa si Abel, na nagbabakasyon lang sa Pilipinas.

Ito umano ang unang pagkakataon ni Abel na sumakay ng MRT ngunit dahil sa takot, bumalik na siya kaagad sa India at sinabing hindi na babalik sa bansa.

Samantala, Sabado naman ng umaga nang isa pang Indian na IT consultant ng Asian Development Bank (ADB), ang nakuhanan ng kwintas na may halagang mahigit P50,000.

Bahagyang nasugatan naman ang biktima matapos makaipagsagupaan sa suspek.

Sinasabing apat na “hamog boys” ang umiikut-ikot sa baba ng MRT Ortigas hanggang Shaw Boulevard at dito isinasagawa ang pambibiktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.