Indelible Ink na Gagamitin sa Eleksyon, Palpak

AMINADO ANG Parish Pastoral Council and Responsible Voting (PPCRV) na hindi sila nakontento sa testing ng indelible ink ng bidder na isinalang ng Commission on Election (Comelec) na siyang gagamitin sa darating na halalan.

Sinabi ni Dr. Arwin Serrano, representative PPCRV na hindi pa nito masabi kung babagsak ang lowest bidder sa pag-supply ng indelible ink na Centurian at Jedaric Chemicals Inc. na unang isinalang sa testing ng ahensya.

Mula sa 14 na isinalang sa test na nilagyan ng ink ay pinatuyo ito sa loob ng 30 minuto subalit agad itong nabura matapos na ginamitan ng mga kemikal upang tiyakan kung madali itong nabubura.

Lumalabas sa inisyal na obserbasyon ng technical working group ng Comelec, hindi tumagal ang indelible ink na ginamit matapos lagyan ng mga kemikal gaya ng alkohol, ascorbic acid, acetone, thinner, gasolina, break fluid, kamias, sabon at diesel.

Samantala, kaugnay nito, sakaling babagsak sa test ang lowest bidder ay posibleng pagbigyan na ng Comelec ang Asa Color Top Best printing na may P73 million na bid.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.