Inaraw-araw raw sa commercial shoot Gerald Anderson, tinotoo na ang panliligaw kay Sarah Geronimo?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo at bonggang-bonggang pasabog na naman ako at talagang pinag-uusapan ng mga nakakalokang chismosa, hahaha!

Heto na, simulan na natin ang intriga, at iintrigahin ba natin o magsasa-bi tayo ng trulili? Kumustahin naman natin ang career ni Vice Ganda ngayon, dahil ang daming kumakalat na chikka sa kanya kaya ko ito tsini-chikka sa inyo para makarating sa kanya, dahil buong taon na ito, ‘yun ang sinasabi ng karamihan.

Marami na raw kasi ang naya-yabangan kay Vice Ganda at hindi na marunong tumingin sa pinanggalingan. Halimbawa, sa mga sing-along bar na pinanggalingan niya, never na siya naiimbita nang libre. At pati na rin ang kanyang Ogie Diaz ay hindi na rin niya naalala.

Ano ba naman, ‘te? Super laki na ba talaga ng ulo nitong si Vice? At pati kasamahan niya dati, hindi na siya nakikilala? Naku, ‘te… pati ‘yun minamalditahan na rin niya. Marami nga ang nagsasabi na kung ganyan siya nang ganyan, baka huling taon na ito ni Vice. Baka sa susunod na taon, sino na si Vice?

At may nabalitaan pa ako from London, dahil may programa ako roon sa PINOY RADIO UK, at ang mga kababayan natin ang nag-chikka sa akin, na ito palang si Vice ay dapat may concert doon at 80 pounds ang ticket. Nakakaloka, biglang binaba ng 20 pounds. Hindi pa rin kinagat, kasi nga hindi masyadong kilala si Vice doon. Kaya kahit magkano pa siguro ay hindi nila pag-aaksayahan ng panahon. Mas kilala pa sila Matuk, Allan K at Arnell Ignacio.

Kaya kung ako kay Vice, hahanapin ko na ang sarili ko kung saan ba ako naging mayabang. At kung ako naman ang makakapansin, mukhang hindi naman. Sa bagay, hindi ko naman siya kilala, kaya wala akong ma-say!

Hahaha! Nakakaloka, ‘di ba?

AT HETO naman ang isa pang pasabog nga-yon, na isa pa sa mga nakakalokang eksenang chikkahan. Dahil si Sarah Geronimo ngayon ay humahabol sa Pasko na para hindi maging malamig ang Pasko niya.

Kasi, inaaraw-araw raw ni Gerald Anderson sa shooting ng isang brand ng shampoo. Bale four-day shoot ‘yun last week.  Kaya raw ang Pop Princess, kilig na kilig to the bones, habang nagsi-shoot ang ate mo, at parang gusto pang i-extend ang shooting.

Ang tanong: Alam kaya ito ni Mommy Divine? Pero teka, totoo bang sumemplang ang pelikula nila? Kahit nga ako, ‘di ko alam kung ano ang title ng pelikula nila. At balita na masama ang loob ni Sarah, kasi hindi na-promote ang pelikula.

Naku, ‘te… nakakaloka naman, nasayang naman ang effort mo!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKris Aquino, ‘di maawat sa kadaldalan
Next articleSolenn Heussaff, Taken na!

No posts to display