Inararo ng Jeep: 3 Patay, 3 Sugatan

PATULOY ANG pagsisiyasat ng mga awtoridad sa Ilagan City, Isabela para malaman ang naging problema ng isang Isuzu passenger jeepney na bumangga sa anim na naglalakad sa shoulder ng national highway sa Manaring, Ilagan City na nagbunga ng agarang pagkamatay ng tatlo at pagkasugat ng tatlong iba pa.

Base sa paunang imbestigasyon ng PNP Ilagan City, naglalakad ang mga biktimang sina Linda Cabasal; Oliver Cabasal, 11; Rhea Salas, 26, buntis; Jonalyn Salas, 2; Delia dela Cruz, 33, pawang nakatira sa Purok 3, Manaring, Ilagan City; at Mary Ann Alvarez, 37, ng Purok 4, Manaring nang paparating ang Izusu passenger jeepney na minamaneho ni Claudio Lucas, 51, residente ng Bangag ng nasabing lungsod.

Ang naturang jeepney ay tumatakbo sa palusong na daan patungong south direction nang matumbok ang mga taong naglalakad sa right shoulder ng national highway.

Agad na isinugod sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital ang mga biktima ngunit nasawi sina Linda Cabasal, Oliver Cabasal at Jonalyn Salas.

Samantala, isinailalim na sa alcoholic breath test ang driver na si Lucas upang malaman kung ito ay nakainom ng alak nang maganap ang insidente. (PARAZZI REPOR-

TORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.