Inamin na ang tunay na ama ng dinadala Andi Eigenmann, ‘Di Na Umaasa Kay Albie Casiño

ANO KAYA ANG masasabi ng young actor na si Albie Casiño, dahil at last ay inamin na ni Andi Eigenmann sa kanyang blog na ang binata ang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Tsika nga ni Andi sa kanyang Blog: “Maybe instead of feeling bad that Albie left me to take on this responsibility by myself, I should thank him for giving me the opportunity go out & find genuine happiness once again.

“I’d obviously love for him to be around eventually. You know, to save myself the struggle to find a good way to explain his absence to his child.”

Ayon nga sa kampo ni Andi, handang-handa na raw harapin ni Andi ang pagiging ama at ina sa kanyang isisilang na sanggol. Hindi na raw ito umaasa pa na aakuin ni Albie ang responsibilidad sa kanilang magiging anak. Tanggap na raw ng magandang young star ang nangyari sa kanya at handang palakihin ang kanyang anak nang nag-iisa at wala sa tabi ang tunay na ama nito na si Albie.

 

MUKHANG HANGGANG SA Japan ay balak pa ring pasukin ng Japinoy ex-Survivor na si Suzuki Sadatsugu ang showbiz. Balitang nag-audition si Suzuki sa Pinoy Big Brother, at take note, ang kasama nitong nag-audition ay ang na-link sa kanyang si Arnell Ignacio.

At balitang isa si Suzuki sa pinagpipilian ngayon among nag-auditions na Pinoy na may halong Hapon at may tsansang makapasok sa bahay ni Kuya. Kaya naman if ever na mapipili si Suzuki sa PBB, magiging Kapamilya Star na siya.

Tsika nga ng source namin, kung hindi sinuwerte si Suzuki sa Kapuso Network, baka sa ABS-CBN umarangkada ang career nito.

Dagdag pa ng aming source na huling baraha na ito ni Suzuki, dahil kung hindi raw ito matatanggap sa bahay ni Kuya, ipagpa-patuloy na lang nito ang pagiging construction wor-ker at waiter sa Land of the Rising Sun. ‘Yun na!

APAT NA KABATAAN ang naka-takdang sugalan ng GMA-7 for Stardome via remake ng sikat na sikat na soap noon sa GMA-7, at ngayon ay mapapanood sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Ang masuwerteng kabataan na magbibida sa ILAM ay sina Joyce Ching, Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Kristoffer Martin, sa Sept. 16 daw ang 1st taping ng apat na young stars at sa October magsisimulang mapanood ito sa telebisyon.

Dito raw masusukat ang galing sa drama ng apat na young stars na tinatayang ilan lang sa ma-ningning na young stars ng Kapuso Network. Bukod sa ILAM ay napapanood pa rin ang mga ito sa number 1 teen show sa bansa, ang Tween Hearts at sa Party Pilipinas.

 

WAGI ANG MGA pambato ng Psalmstre sa nagdaang Mr. & Ms. Cosmetics Fair 2011 na ginanap sa SM Megatrade Hall 1 noong Setyembre 4, dahil nakuha ni Aldous Samonte ang Mr. Cosmetics title, samantalang 1st runner-up naman si Jamaica Elysee Ambal sa female division.

Ang nasabing paligsahan ay isa sa mga programa ng Chamber of Cosmetics Industry of the Philippines (CCIP) sa huling araw ng kanilang tradeshow. Ito’y taunang proyekto ng CCIP na dinaluhan ng iba’t ibang kumpanya/exhibitors at dinumog ng mara-ming mga mamimili mula sa iba’t ibang lugar. Layunin ng nasabing organisasyon na iangat ang industriya ng cosmetics sa bansa kung kaya’t aktibo ito sa iba’t ibang mga programa upang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat kasa-ping kumpanya.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

12 thoughts on “Inamin na ang tunay na ama ng dinadala Andi Eigenmann, ‘Di Na Umaasa Kay Albie Casiño

  1. ANG MALING KAPALARAN NG ANAK AY HINDI LAGING KASALANAN NG MAGULANG,,,ANG BAGAY NA NANGYARI NA AY HINDI NA DAPAT NAGSISISIHAN,PANGIT NA KAPALARAN O MAGANDANG KAPALARAN DAPAT TINATANGGAP NA LANG AT PINANININDIGAN,,,GAYA NG ALBIENG YAN,,,DUWAGGGGGGGGG,,,ANG ISANG TUNAY NA LALAKI AY MARUNONG HUMARAP SA KANYANG RESPONSIBILIDAD AT HINDI TUMATALIKOD,,,KAPAL MO,,HINDI KA PA SIKAT,,NAMBUNTIS KA NA,TAPOS HINDI MO NMN PALA KAYANG PANINDIGAN,SARAP LANG ANG HINANGAD MO,,FEELING SIKAT KA,HNDI KA NMN GWAPO,,,AHHHH,,SIGURO BADING KA,KASI TAKOT KANG HARAPIN ANG BAGAY NA GINAWA MO EH,,,DUWAG ANG TAWAG JAN DI BA,MAHINBA LOOB MO,,EH BAKIT HINDI KA NA LANG MAGPALDA, SUGGESTION LANG UNG SA AKIN.

  2. ay sus wala sa itsura ng albie casino na pakakasalan si andi tinikman lang nya yan eh tinablan sya ng kamandag ni albie ayon me bebe. hay andi like mother like daughter.

  3. Hoy ALBIE! magpakalalaki ka nga! BE A MAN! wag kang magtago sa duster ng nanay mo…shame on you man!…gagawa gawa ka ng bata…pototoy ka pala pag harapan na!!!!

    lumabas ka dyan sa damit ng nanay mo…magpakalalaki ka…harapin mo…di ka pa nga gaano sikat parang kung sino ka…sa tingin mo kaya tatagal ka pa sa industriya..BE A Man

  4. pls watch T3 tv5 5 30 pm sana tutukan nyong manood mga kababayan salamat magandang palabas po ito para sa mga inaapi tnx

  5. KASE 20)SEVEN 40 ANYOS KA NA MAKUNAT KA NA KAHIT WALONG BESES KA MABUNTIS KARAPATAN MO IYAN SI ANDI GALING SA BROKEN HOMES AT HINDI  NABANTAYAN NG MAGULANG NIYA UNDERAGE PO SI ANDI HINDI KATULAD NINYO MGA GURANG HUWAG NINYONGIKUMPARA MGA KATANDAAN NINYO SA BATA

  6. oh please jelloe – wag mong isisi sa magulang ang anumang kamalian na nagawa ng anak… ako, i will never blaim my parents sa mga pangyayari sa buhay ko… may sarili po tayong isip…. hindi tayo ginawa ng DIYOS para maging dependent sa magulang…even you, hindi mo din gugustuhing masisi ang magulang mo sa mga pagkakamali mo…

  7. pano namang kasalanan ng magulang yun? remember andi is an adult at sinabi nya rin na kaya nya alagaan ang magiging anak nya. walang kinalaman yung pag-aartista, anong gusto mo ikulong na lang ng mga magulang ang lahat ng anak na babae para hindi mabuntis? anong klase yun? kanya-kanya naman tayo ng mga challenges sa buhay, nagkataong ito ang kay andi. madali talaga magsalita para sa ibang tao, yung sa sarili natin sobrang hirap.

  8. KASALANAN NG MAGULANG PINABAYAAN KASI ANG ANAK .PINAG ARTISTA NINYO SI ANDI DAPAT BINANTAYAN NINYO NG BONGANG BONGA. ANG MASASABI KO LANG AT LEAST HINDI IPINALAGLAG ANG BATA..MAY ANGHEL NA ANG PAMILYA NINYO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.