Inakalang Magnanakaw; May Sayad, Dedo sa Boga

PATAY NA nang makara-ting sa pagamutan ang isang 57-anyos na lala-king diumano’y may sayad sa utak nang mabaril matapos napagkamalang magnanakaw sa Barangay Culasi, Roxas City.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan si Rogelio Combate nang mabaril ng pinaniniwalaang guwardiya sa isang compound na kanyang pinasok.

Ayon sa kapatid nitong si Luigi Combate, maaaring napagkamalan ang biktima na magnanakaw matapos makapasok sa Mirola Compound habang naglalakad-lakad na madalas nitong ginagawa tuwing umaga.

Samantala, sinabi pa nito na natagpuan na lamang na nakabulagta at duguan ang kapatid matapos na marinig ang umalingawngaw na putok mula sa nabanggit na compound na malapit lamang sa kanilang tirahan.

Kinumpirma naman ni Luigi na may diperensiya sa pag-iisip ang kapatid na isa nang balo at may dalawang mga anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.