Inakalang lasing lang; Kelot, Dedo na Pala

SA PAG-AAKALANG lasing lang ay hindi agad nalapitan ang isang kelot habang nakahandusay sa kalsada upang madala sa ospital sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Manila Central University hospital sanhi ng mga saksak sa dibdib si Carlo Gomez, 38, ng 11th Avenue ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2:30 ng umaga, sa pag-aakalang lasing lang at nakatulog ay walang pumapansin sa biktima habang nakadapa sa nasabing lugar.

Nilapitan ni Eduardo Villarde ang biktima at napansin na may mga dugo sa sahig at nang tignang mabuti ay nakita ang mga saksak sa dibdib.

Humingi ng tulong si Villarde upang madala sa MCU ang biktima.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. (MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.