Inakalang ‘game’, guro iminotel ng sekyu

NAGKAMALI NG akala ang isang guwardiya ng Department of Education (DepEd) ng puwersahan niyang ipasok sa isang lodging in ang isang guro na akala niya ay “tigang” sa General Santos City.

Sinampahan ng kasong attempted rape ang sekyu na kinilalang si Ruben Capisin , 54, may asawa ng San Isidro ng nabanggit na lungsod at nakatalagang guard sa nasabing government agency.

Nabatid na pumalag at nagsisigaw si Roma, hindi nito tunay na pangalan, nang simulan siyang hipuan sa maseselang bahagi ng katawan ng suspek sa loob ng Kings Valley Inn.

Nabatid na ang biktima na may asawang nasa abroad ay nagreklamo matapos na saklolohan ng mga empleyado ng nasabing motel.

Sa naging pahayag ni Roma, sumigaw umano siya matapos simulang kapain ng  suspek ang kanyang dibdib kaya  naalarma ang mga inn attendant hanggang sa magresponde sila.

Naaresto ang naturang lalaki at ikinulong sa San Isidro PNP pero tumanggi sa pagsagot sa alegasyon laban sa kanya.

Nabatid na tinulungan ng suspek ang biktima upang magkatrabaho bilang guro, subalit hindi umano niya inaasahan na may masamang plano pala ang suspek sa pagtulong sa kanya.        (E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.