Inagawan ng Motorsiklo; Binatilyo, Niratrat ng Riding-In-Tandem

 

 

PATAY ANG isang binatilyo matapos na paulanan ng bala ng riding-in-tandem at inagawan pa ng motorsiklo sa Maceda street, Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang nasabing biktima na si Lawrence Paul Madurog, 16-anyos na dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH).

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, hinarang ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang biktima at pinilit na agawin ang motorsiklo nito na may plakang 5559 PS.

Nang tumanggi umano ang biktima na ibigay ang motor ay dito na siya pinagbabaril ng dalawang beses sa tiyan, na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.