Inagawan ng dyowa: Maui Taylor, imbiyerna kay Lovi Poe

LAPITIN TALAGA NG mga intriga si Lovi Poe. Pero ang maganda lang sa kanya, hindi naman sa ugali at pakikisama sa kapwa niya mga artista sa showbiz nagsisimula ang mga intriga. Medyo dapat siyang mag-ingat, kasi nga, laging nagugulo ang kanyang mundo kapag mayroon siyang karelasyon. May sariling isyu ngayon si Cogie Domingo tungkol sa pagdedenay sa kanya ni Angel Locsin, kaya huwag na munang balikan na nagkaroon din sila ng relasyon dati pero nagdenay siya.

Kontrobersiyal siyempre ang unang relasyon na inamin ni Lovi, at ito ay ‘yung tungkol sa kanila ni Jolo Revilla na humantong din sa hiwalayan. Ito ang naging dahilan kaya sila nagkaroon ng hidwaan noon ni Rosanna Roces, kasi nga, anak ni Osang si Grace Adriano na naging karelasyon din ni Jolo. Ang karelasyon ngayon ni Lovi ay ang anak ni Governor Chavit Singson na si Mr. Ronald Singson. Pero tila may nasasagasaan dahil sa nasabing relasyon, at iyon ay si Maui Taylor.

Hindi raw maganda ang mga sinasabi ngayon ni Maui kapag nababanggit ang pangalang Lovi Poe. May usap-usapan kasi na si Maui raw ang unang nililigawan ni Ronald Singson, at tipong mahal na ng sexy actress si Mr. Singson, kaya imbiyerna siya ngayon kay Lovi.

Naku, malalim talagang magmahal si Maui, kaya posibleng nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Deadma lang naman si Lovi, pero kung magkausap sila ni Miss Taylor, malamang magkaayos din sila.  Diretso lang lagi magsalita ang sexy star na ‘yan kapag galit, pero okey naman siyang kausapin kung may gusot na dapat iklaro.

AWARE NAMAN SI Sharon Cuneta na talagang pag-uusapan nang husto ang mga magaganap na muli nilang pagkikita ng kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion. kaya ngayong sinisimulan nang intrigahin ang naging pagkikita nila sa taping ng Sharon kasabay ng promo ng I’ll Be There ng Star Cinema na pinagbibidahan din ni KC Concepcion, deadma na lang ang Megastar, dahil napaghandaan na niya ang magaganap na situwasyon.

Deadma lang si Sharon sa mga sinasabi ng nagsipag-obserba sa muli nilang pagtatagpo ni Gabby, na obvious daw sa mga kilos ng mommy ni KC, na mahal pa nito ang dati niyang asawa. Larga naman kasi ang Megastar sa pupuwede niyang maramdaman, dahil alam niyang ang pagkikita-kita nilang iyon ay ang kanilang anak na si KC ang labis na napasaya. Pero ang reyalidad pa rin, mayroon na silang kanya-kanyang buhay.

Masaya si Gabby sa kanyang bagong pamilya. Masaya si KC, dahil kahit hiwalay ang tunay niyang mga magulang, nakikita at nakakasama naman niya ang mga iyon, lalo pa’t sa showbiz ay mayroong mga planong proyekto para pagsamahin silang tatlo. Very supportive naman si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa kanyang wife, dahil nang dumating siya sa buhay ni Shawie, alam niya ang masakit na pinagdaanan nito sa paghihiwalay nila ni Gabby.

Pang-showbiz na lang kung muling magkasama sina Sharon at Gabby sa pelikula. Kung pagsugal naman sa pagmamahal ang pag-uusapan, si Senator Kiko at ang kanilang mga anak na sina Frankie at Miel ang buhay ngayon ng Megastar.  Nakikipagpustahan na rin si Shawie sa mga gustong sumira sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. Nadadagdagan na ng milyun-milyon ang reward na ibibigay niya sa makapagtuturo ng diumano’y iba pa raw pamilya ni Senator Kiko bukod sa kanila. Pero hanggang ngayon, tsismis pa rin na may ibang girlfriend ang butihing Senador, pero wala namang makapagpatunay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

13 thoughts on “Inagawan ng dyowa: Maui Taylor, imbiyerna kay Lovi Poe

  1. It’s not Lovi’s fault ‘no? Eh kung siya ang pinili ni Chavit Jr. *hehe*, siyempre mas gusto sa bata at may breeding…si Maui? Hmm, mukhang pinagsawaan na…retoke pa ang boobs…

  2. LESSON LEARNED FOR THE YOUNG GIRLS OUTHERE “get a degree’ DON”T BE LIKE MAUI OR LOVI.PAG NAWALA ANG LOOKS NILA,WALA NA RIN SILANG RESPETO SA SARILI NILA.ONE GUYS AFTER THE OTHER.” C H E A P”

  3. MATANDA KANA MAUWE EH DAPAT SA IYO YANG MGA MATANDA DIN PARA BAGAY KAYO..KUMBAGA LAOS KANA TAPOS NG MGA PANAHON MO.KAYA TUMABI TABI KA NALANG…LOSYANG KANA.TINGNAN MO MUNA SARILI MO BAGO MAGTANONG KA SA SARILI MO BAKIT AYAW NA SA IYO NG LALAKE AT TINGNAN MO RIN ANG EDAD MO AT YONG KARIBAL MO DAW SA MGA LALAKE.

    • OO NGA TEH!,,,DAPAT SAU MAUWE AY KAY CHAVIT SENIOR NALANG…SURE HE WILL LIKE YOU MAUWE…OOHH GUD IDEA DI BA?? GO, GO GO,,,WAG MO PAKAWALAN CHANCE,,,KAY CHAVIT U NA LANG,,,OK PA NAMAN SYA AT STILL STANDING….

  4. PERA LANG NAMAN KAYA PUMPATOL ANG DALAWANG GOLD DIGGERS KAY CHAVIT’S JR.KAHIT KAY CHAVIT PAPATOL ANG MGA IYAN.MUKHANG NAKA DRUGS SI MAUI SA PICTURE kabit ang nanay ni lovi kaya kabit din siyang lumaki kakahiya

  5. eh paano kasing luwag na yata ng bote ng mayonnaise kpyas nyan si maui…bukod sa laspag na, laos at TH..eh alam ng lahat na pera lang habol nyan sa mga singson…wala na career pag puputa na lang alam..sympre yung isa hanap ng sariwa pa..

Leave a Reply

Your email address will not be published.