Inaayawan na sa mga club sa Japan: Priscilla Almeda, nagti-TNT na lang?

NAKALULUNGKOT PALA ANG nangyari kay nangyari kay Priscilla Almeda. Totoo nga kayang napabilang na ito sa napakaraming Pinoy na TNT ngayon sa Japan o ‘yong mga overstaying na hina-hunting ng mga taga-Immigration doon?

Ayon sa kuwento ng isang kaibigan naming doon na nakabase, ilang taon na raw niyang nakikitang pasabit-sabit diumano kung kani-kaninong mga Pinoy ang dating sikat na sexy star. Jobless daw ito ngayon kaya umaasa na lang sa tulong ng mga kapwa Pilipino.

Palipat-lipat umano ng tirahan si Priscilla. Ito’y depende diumano sa nagiging usapan kung gaano siya katagal puwedeng mag-stay sa bahay ng kapwa Pinoy na nagmagandang-loob na kupkupin siya pansamantala.

Maganda raw sana ang katayuan ni Priscilla during her first few years in Japan. Nagtrabaho raw kasi ito sa isang club doon at sa umpisa ay maganda naman daw ang kita nito. Siyempre, bukod sa maganda at sexy, kilalang artista nga siya sa Pilipinas.

Ang kaso, tumaba raw nang tumaba ito. Hanggang sa ayawan na siya ng club na pinagtatrabahuhan at wala nang mapasukan. Sa Japan daw kasi, kahit anong ganda pa ng mukha mo, kapag tumaba ka na, wala nang club na kukuha sa ‘yo.

Ang dahilang sinasabi raw ni Priscilla sa nangyaring sobrang paglobo ng kanyang katawan – nahilig daw ang dating sexy actress sa pagkain ng yakimiko na kasing sarap umano ng pamosong Korean barbecue. Matapos tumaba na parang lumba-lumba, kahit pinipipilit umanong magpapayat ay hindi na talaga ito makapagbawas pa ng timbang.

Sinubukan daw umano ng former sexy actress na maghanap ng ibang mapagkakakitaan pero hirap daw nga itong makahanap na ng trabaho. Kaya umano makikita na lang ito na kung kaninong kababayan natin sumasabit kasa-kasama ang isang chaperone niyang bading.

Pero sosyal pa rin daw kung umasta si Priscilla kahit gano’n na ang katayuan nito. Inglesera kapag nakikipag-usap sa kapwa Pilipino at lagi umanong ipinagmamalaki na Canadian passport daw ang hawak nito nang pumunta sa Japan.

Reaksiyon naman daw ng mga nakaririnig – ke Canadian o Philippine passport ang hawak nito, TNT pa rin ang sexy star dahil nga overstaying na sa Japan. Kumbaga, makauuwi ka lang kung susuko ka sa Immigration at papayag kang pa-deport sa bansang pinanggalingan.

At parang wala naman daw balak si Priscilla na gawin iyon. Kumbaga, tila mas gusto na nga raw nitong patuloy na maging TNT sa Japan kasama ng iba pa nating kababayan na gano’n din ang kalagayan.

Sabagay, kung sobrang taba na ni Priscilla ngayon, anong future din nga ang naghihintay pagbalik nito ng Pilipinas? Hindi naman ito makapagka-comeback sa showbiz kung kasing lapad na ng aparador ang katawan niya?

Ewan lang kung bakit ayaw rin ni Priscilla na bumalik sa Canada kung saan may mga kamag-anak din siya.

Pero… hanggang kailan nga niya titiisin ang wala ring kasiguruhang lagay ng buhay niya sa Japan?

NATATANDAAN N’YO PA ba si Dale Villar? Siya ‘yong guwapong bagets na discovery ni Jojo Veloso, na naunang sumikat sa isang commercial ng sofdrinks bago naging isang kilalang teen actor during mid 90’s. Naging contract star pa nga ito ng Viva Films kung saan ilang youth-oriented films din ang nagawa nito.

Ang alam natin nang mawala na sa showbiz itong si Dale, umuwi na ang binata sa Amerika. ‘Yon pala, a couple of years ago ay namasukan itong hosto sa Japan. ‘Yon nga lang, hindi raw naging mabenta roon ang dating young actor kaya ilang buwan lang ito tumagal sa nasabing bansa.

Mayabang daw kasi ang dating ni Dale kaya turn-off ang mga costumers ng club na pinasukan nito. Hindi rin daw ito makasundo ng mga kasamahang Pinoy roon. So ang ending – namaalam na lang ito.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

14 thoughts on “Inaayawan na sa mga club sa Japan: Priscilla Almeda, nagti-TNT na lang?

  1. Pingback: News on the Move · Where Are They Now: 8 TF Stars of the ‘90s

  2. Pingback: Where Are They Now: 8 TF Stars of the ‘90s

  3. Oo nga nman Yakiniku ang term dun, kalukring nman  oy wala sa japan si abby viduya kundi nsa vanada at pamilyada na dun. dti nging ksabayan yan nla jean garcia, ynez veneracion at ng iba png mga TF star’s sa japan 10 years ago pero lahat bonggacious ang career dun at tiba tibang lapad kinita ng mga yan as entertainers dun so panung nangyari ka ek ekan n pinugsusulat mo dito ha bakla?

  4. andito sa canada si Abby Viduya aka Priscilla Almeda..kelan lang cia nakita ng mother ko sa wal-mart at may tinanong pa sa kanya..kaya panung ngyari nagTNT sa japan si Priscilla Almeda..

  5. kalurkey ang writer na ito, di na nahiya! yakimiko..babarbeque mo si miko? yakiniku means grilled meat. yaki/yaku=grilled niku=meat…hmpp

  6. wow…yakiniku
    1 of my fav. food here sempre unang una na ang ramen at gyoza…wehhhhh takam…takam….

  7. Dale Villar is now based here in the US.He was a part-time model and endorser of a certain company(cash in hand) I saw him on t.v. recently he looks good tho’.

  8. ruben marasigan, just to inform you that priscilla almeda is no longer in japan, she’s in canada now for more than 3 years. you dumb fuck

  9. I remember Dale Villar, tisoy na tvc model ng Pepsi.

    Sayang naman ang nangyari kay Abby Viduya aka Priscilla Almeda. Sana makabangon na sya soon. Life is hard.