Ina Raymundo, super sexy pa rin kahit naka-lima na

Ina-RaymundoSEXY PA rin siya kahit naka-lima na. Ang tinutukoy naming super sexy ay walang iba kundi si Ina Raymundo.

Matapos kasing manganak ng lima with her foreign husband, nag-decide si Ina na bumalik sa Pilipinas para muli, ipagpatuloy ang nudlot niyang career sa showbiz.

Sa porma at pustura ng hot mama na si Ina, hindi mo iisipin na may mga anak na ito and to think lima ang mga supling nila ng kanyang mister.

Nope, kung ang ibang mga artista ay nagbabalik-showbiz dahil hiwalay sila ng kanilang asawa, iba ang kaso ni Ina na mas kilala noon as the Sabado Night Girl dahil sa kanyang kaseksihan.

Pantasya siya ng marami. Mapalalaki, lalo na ng mga lesbians kung saan isa si Ina noon sa mga top 5 favorite sexy star sa listahan ng mga tomboy.

Sa pagbabalik ni Ina sa showbiz, walang hiwalayan with her husband dahil suportado siya nito.

Sa katunayan, sa pagbabalik niya (saw her first sa Be Careful with My Heart, kung saan semi-regular ang role niya), nakasalang kaagad sa dalawang project ito sa pamamahala syempre ng kaibigang Pola Punla na siyang tumatayong business manager ngayon ni Ina, kung saan sa kuwardra ni Pola, makakasama niya sina James Yap at ang Teng Brothers.

Simula noong Monday (January 19), kabilang si Ina sa panghapong teleseryeng “Nasaan ka Nang Kailangan Kita, where she plays a very important role sa seryeng pagbibidahan ng bagong tambalang Jane Oineza at Jerome Ponce; Loisa Andalio and Joshua Garcia, at siyempre ang mga kakontemporaryo niya na si Vina Morales at ang sexy na si Denise Laurel (both actresses ay mga hot mama ring tulad ni Ina).

Sa teleserye, mga bagets ang makakasama niya. Ang tanging advise niya sa mga ito, lalo na sa mga dalaga, “If ever dumating ang time na may magandang offer para sa ikagaganda ng mga carrer nila, they should opt for that than to choose love dahil mga bata pa sila.”

Bukod dito, Ina also plays the role of Julia Montes’ mom in the suspense thriller Halik sa Hangin na produced ng Star Cinema na mapapanood na come January 28 sa direksyon ni Manny Palo.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.