Ina Raymundo, naaalarma sa dahilan ng pagkamatay ng mga taga-showbiz

Ina Raymundo, naaalarma sa dahilan ng pagkamatay ng mga taga-showbizNag-aalala si Ina Raymundo sa mga kasamahan niya sa showbiz na maagang namamatay dahil sa stress at pagod.

Ayon sa isa sa mga bida sa “The Millionaire’s Wife” ng GMA 7, kung saan gumaganap siya bilang anak ni Robert Arevalo, dapat daw talagang pangalagaan ang kalusugan para hindi magkasakit.

“Kasi health is wealth lalo na sa mga kasama ko sa trabaho, ‘di ba? Trabaho ka nang trabaho tapos mate-tegi (tigok) ka rin naman agad.

“Kaya ako, I’ve always been an advocate ng healthy lifestyle. Like ‘yung mga kaibigan ko, ‘pag nakikita ko sa Snapshot nila na panay ang inom, panay ang gimik, mini-message ko talaga sila. ‘Hey, you’re drinking so much, I’m worried about you.’

“Ganu’n ako. Para akong mommy na nagre-remind sa kanila. Hahaha! Kasi siyempre, I don’t want anyone to die, ‘di ba,” pahayag ni Ina.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAi-Ai delas Alas, ‘kaplastikan’ daw ang pagbisita sa puntod ni Direk Wenn Deramas
Next articleSunshine Cruz, umaasang ma-grant na ng korte ang annulment ngayong taon

No posts to display