Ina ni Ram Revilla, masama ang loob sa kampo ni Sen. Bong Revilla Jr.!

NAKALULUNGKOT NAMAN ITONG mga naglabasang kuwento sa pagkamatay ni Ramgen Revilla. Nu’ng kamakalawa ng hapon ito inilibing sa Angelus Eternal Garden sa Imus, Cavite at talagang dinagsa ito ng napakaraming tao dahil siguro karamihan sa kanila du’n ay nakiusyoso lang.

Nagsalita ang ina ni Ram na si Genelyn Magsaysay na dapat ay lumabas daw ang tunay na pumatay sa kanyang anak, at huwag ituro ang dalawa pa niyang anak. Hindi raw niya pinalaki ang mga anak para magpatayan lang.

Naintindihan namin ang nararamdaman ng isang ina lalo na’t namatayan ka na, tapos isinangkot pa ang dalawang kapatid. Ang sakit nun sa kanya, pero ‘yun ang lumabas sa imbestigasyon kaya sa totoo lang, naka-lilito na at hindi na natin alam kung ano talaga ang totoo.

Kahit si Sen. Bong Revilla ay nagsalita na ring hindi sila makapaniwalang magagawa ‘yun ng kanyang half-brother at sister. Pero kung sakaling ‘yun nga ang totoo dapat daw nila itong panagutan.

Nasa hospital pa ang ama nina Sen. Bong, ang dating Sen. Ramon Revilla, Sr., at ‘yun din daw ang gusto nitong mangyari.

Hindi raw nila puwedeng pagtakpan, dahil ka-patid din nila ang biktima rito. Pero sana siguraduhin lang daw ng mga pulis ang kanilang im-bestigasyon na tama ito.

Ang gusto nga ni Bong, magkaroon ng panibagong imbestigasyon para matiyak lang daw kung sino ang dapat kasuhan.

Ang isa pang nakakalungkot dito, nakakaintriga pa ang huling interview ni Genelyn sa TV Patrol na sinabi nitong may sama siya ng loob sa ibang kapatid ni Ram dahil hindi raw sila natutulungan. Obvious namang si Bong ang tinutukoy nito.

Unfair naman ito kay Bong dahil ano pa bang tulong ang gusto niya? Lahat ginawa na ni Bong at mga kapatid niya para maimbestigahan agad at mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Ramgen.

Ano naman ang magagawa nina Bong kung ‘yun ang lumabas na im-bestigasyon? Hindi naman nila ito puwedeng pagtakpan.

Sa totoo lang, si Bong ang pinakaapektado dito dahil siya ay kilala rito at may katungkulan pa kaya hindi na nga niya alam kung ano ang gagawin niya.

Malalaman naman ng mga tao kung sino ang nagsasabi ng totoo, kaya huwag na sa-nang palalain pa ang gulo dahil sobrang masa-limuot na nga itong kuwento sa pagpatay kay Ram.

Sana isipin na rin nila si Mang Ramon na mahina na nga, nakakatanggap pa siya ng mga ganitong balita. Sana manaig na lang talaga ang katotohanan.

 

DAGDAG PANG KALUNGKUTAN itong pagkamatay ni Direk Boots Plata. Laging present ang mag-asawang Direk Boots at Dolor Guevarra sa mga gatherings sa showbiz, at si Direk Boots ang masipag na nagkukuha ng mga litrato. Kaya nakaka-miss din siya talaga.

Nu’ng kamakalawa ng tanghali siya namatay at kinagabihan ay pina-cremate na ito pagkatapos ng misa. Ang bilin kasi si Direk Butse, na ipamudmod sa Pasig River ang mga abo nito at magkaroon na lang daw ng party.

Sinimulan na ang 9-day Novena para sa kanyang kaluluwa na ginaganap sa Vera-Perez Gardens.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

52 thoughts on “Ina ni Ram Revilla, masama ang loob sa kampo ni Sen. Bong Revilla Jr.!

  1. Attractive section of content. I just stumbled upon your site and in accession capital to assert
    that I acquire actually enjoyed account your blog posts. Any way I will be subscribing
    to your feeds and even I achievement you access consistently rapidly.

  2. @ Eye of the Tiger……’yong strategy mo bulok!….gusto mong gumawa ng estorya laban kay Bong revilla. Honestly, wala akong kinakampihan kundi ang HOSTISYA. let’s get straight to the point. In my own view basi sa mga obervation ko sa imbestigasyon. Ang Boss ng pagpaslang kay Ramgen ay walang iba kundi si Ramona siya ang mastermind tapos yung kapatid niyang lalaki ang nag execute sa plan. siya ang komontak ng mga killers…….

    walang kinalaman dito ang politika. at lalo nang walang kinalaman dito ang legitimate na mga revilla. itong si Genelyn, gumawa nalang ng mga alibi upang pagtakpan ang krimen na ginawa ng kanyang dalawang anak laban sa kanyang isang anak na pinatay. kung tutuusin, dapat ding ma blame si genelyn sa nangyari, dahil kung nandun lang siya palagi sa kanilang bahay hindi sana nagpatayan ang kaniyang mga anak. Bilang magulang, responsibility mo ang pag guide ng yong mga anak. Pero kung halos hindi ka nakatira sa bahay mo, pano mo ma guide ang ‘yong mga anak sa tamang daan. kaya ‘yon nangyari ang karumal dumal na krimen.
    lumaki ang mga anak ni genelyn na salat sa values kaya hindi natakot gumawa ng krimen.
    kaya wag niyang sisihin si bong revilla dahil wala siyang kinalaman sa problemang kinasasangkutan ng kanyang dalawang anak na pumaslang sa sarili nilang kapatid.

    kaya ikaw eye of the tiger. wag kang atat na atat dyan na walang kinalaman sa imbestigasyon ng mga police. kuha mo?

  3. Naku! ang kapal naman ng mukha nitong si Genelyn…kinonsente niya ang ginawa ni Ramona at RJ. alam kung masakit tanggapin ang katotohanan, na sarili pala niyang mga anak ang utak sa pagpaslang ng isa pa niyang anak.  Hindi niya dapat pagtakpan  ang kasalanan nina ramona. kasi anak din niya ang pinatay. nangangailangan din si Ramgen ng hostisya sa kanyang pagkamatay na wala sa oras.

    Oo, walang magulang na sadyang pinalaki ang mga anak na maging masama. Pero may kanya kanya tayong character at asal. Mas pinili ng mga anak ni genelyn na sina ramona at RJ na maging kriminal. kaya dapat lang nilang pagbayaran ang kanilang kasalanan,

    It’s very obvious right from the very start of the investigation na super guilty talaga si ramona. at lalong mas tumibay ang accusations laban sa kanya dahil sa kanyang pag alis ng bansa.

    We  want Ramona back in Philippines……kung talagang wala siyang kasalanan. Hindi siya dapat matakot sa media at buong tapang niyang harapin ang ano mang imbestigasyon.

  4. Ang angas ni aling genelyn, bakit nga b iniiba nya ang istorya, pinatay ang anak mo, pinagbibintangan ang 2 anak mo.Diba yun dapat ang pagtuunan mo nv pansin, hindi ang mga hinanakit at galit sa mga revilla. C ram daw ay ngsusumbong sa dad nya ng mga bgay bgay tungkol s mga kaptid nya at,nanay, kya nga fav sya ng daddy nya. puro pera ang prob ni genelyn. sbi nya she needs to work asap, kc she need to feed her kids.. Blah  mtay nga lng ng anak ngfafacebook at twitter na, nililihis mo genelyn ang topic, hindi importnte ngyon ang sentimyento mo sa mga revillas. pgtuunan mo ng pnsin ang kso,ng anak,mo.

  5. Yong facebook account ni Genelyn Magsaysay, is so open to the public, hindi nya linagyan ng privacy yong account nya. Parang gustong ipaalam sa lahat ng tao ang mga baho, even the pictures of Ramon Revilla, Sr. with all their 9 children together are all posted and open to the public. What will happen to her and her 9 children when the old guy dies? It’s going to be a long legal battle between the Magsaysay and the Revillas.

  6. Immigration officer, yong link sa itaas na binigay ko, is a very detailed story about Genelyn at the revillas,. including bong.

  7. Kc nmn mgbibigay lng ng comments, kelangan p mang alipusta ng kapwa. Magmura at manggago, kaya wag na replyan yang mga comments n walng kwenta. Mang iinis lng yan mga uan..

  8. At Gagong Immigration Officer, alam ko na nakaalis kasi walang hold order, gago ka, ang question kung bakit nakaalis na may suspicion na itong butiting ramona sa ito na isa sa mga mastermind base sa mga report. Sino ang hindi gumawa ng kanilang trabaho? O sigi, you answer me on this kasi NAGMARUNONG RUNONG KA KASI. You should know the answer, you are an immigration officer yourself. Baka tawagin mo na naman ako na gago dahil yong username mo ay hindi talaga immigration officer. Bago mo tawagin na gago ang ibang tao, siguruin mo muna na hindi ka gago yourself kasi hindi kita uurungan maski saan maski kailan. Gago mo, p—t—-ng ina mo.

  9. At Immigration officer, ang gago mo, ang sabihin mo, dahil hindi nagawan ng hold order dahil mabagal ang palakad sa atin sa hustisya lalo na may pera. At mali rin ang sabihin na hindi nagawan ng hold order, ang insakto na pagkasabi ay ang HINDI MAGAWAN NG HOLD ORDER DAHIL ang mga mayaman sa Pinas ay may KONEKSYON .

  10. Immigration officer, bat ang init ng ulo mo, pumila ka na lang doon sa Wiltime or sa HYY or MMP para magkapera ka at hindi uminit yong ulo mo, sirang ulo ka, MAS GAGO KA PUNYITO KA. Kaya nga nakaalis kasi walang Hold Order kasi natutulog ang mga dapat kumilos ng kanilang dapat gawain, Do you even understand that? Gago ka, isa ka pa, immigration officer na natulog. Open your eyes, kaya nakalabas yong butiting ramona na yan kasi pinalabas at hindi ginawan ng hold order dahil sa immigration officer na mga butiti na mahilig matulog at mahilig ng mga green fruits.

  11. Bobo mong Maria ka. Wala nmang Hold Departure Order yung Ramona Revilla kya nakaalis. Nagrurunong runungan kang hayup ka di mo nman naiintindihan sinasabi. Gago!

  12. @eye of the tiger—————— hinay hinay lang mahila ang kalaban hehehe mag isa lang ako hehehe….. hindi ko naman na kailangan ang mamasko sa mga revilla hehehe at cool lang ako at hindi galit hehehe…… @shebie———————– oh hindi pala buburahin eh, pero nabura na sa ngayon mas maganda pa rin ang malalim na imbestigasyon para dyan sa kaso na yan at para na rin masabi nating kahit ito man lang sa kaso na ito ay ME NAGAWANG MATINO sa dinami dami ng mga palpak na hatol sa kasaysayan ng PINAS.

  13. Tiger Balm, SABI KO DYNASTY YUNG EX-MAYOR NG BACOOR WALANG DYNASTY YUN ANG MGA BIG WIGS NG CAVITE WALA DYAN SA BACOOR. EVEN ANG MGA AGUINALDO AT ABAYA AY HINDI RIN RAMDAM SA CAVITE. ANG TAKE KO DITO AY HINDI ANG KATU;AD NI RAMGEN ANG BUBURAHIN PARA LANG SA ISANG POSITION SA IMUS. HE MAY NOT EVEN WIN THE POSITION.

  14. AKO SI EYE OF THE TIGER ISANG TAO N DI NAPAMASKUHAN NG MGA REVILLA LAST CHRISTMAS, KAYA LAKI NG GALIT KO SA KNILA… HEHEHEHE

  15. @dogie_d——————— medyo mabagal nga lang itong PP sa paglabas ng bagong balita ilang araw na rin itong issue na ito hehehe.

  16. sila-sila na nga tatlo makakapatid nagpapatayan! yan na ang findings ng police! ayaw tanggapin ng ina nila ram na mga anak nya mismo ang pumatay sa anak niya. ang tanga mo! tapos ngayon lumayas na ng pinas yung ramonang mamamatay ng ka[atid! ang abugado pa nila. deny to death din at minamaliit ang findings ng mga police! feeling nila angat sila sa batas! hustisya gusto nila, hala at ialabas at pauwin ng bansa ang gagang ramona!!!

  17. @shebie———————– Wala ako sinasabi na imus hahaha!!!! siguro kung saan -saan na website ka nag co-comment at nalilito ka na sa pag co-comment… IMUS raw hahhhaa!!!! O Tulungan na kita idagdag mo na rin yung natalong si CASTILLO hahaha!!!!

  18. Eye of the Tiger Balm, SI STRIKE AY MAYOR NG BACOOR AT HINDI NG IMUS PALAGAY KO SALTA KA LANG DYAN SA CAVITE. AND MIND YOU, MALIIT PA LANG NG PART NG CAVITE ANG SAKOP NG MGA REVILLA LITERALLY AY BACOOR PA LANG. YOU STILL NEED IMUS, DASMARINAS, SILANG AT TRECE MARTIRES TO NAME A FEW BIG TOWNS THERE. NANDYAN DIN ANG MGA SAQUILAYAN, MALIKSI, REMULLA AT JARO NA MGA DYNASTY NA RIN SA CAVITE. AS FAR AS I KNOW AY WALA NGANG REVILLA NA NAKAUPO SA IBANG TOWNS DYAN. HINDI PULITIKA YAN MAS MALALIM PA YAN KAYA WAG KUNG ANO-ANO YANG POST MO BAKA MAPASO KA AT MALUSAW KA SA KAWALAN………HAHAHAHAHA

  19. wow tama si eye of the tiger iyan din suspetsa ko noon pa wala talaga kayong mga kaluluwa mga revilla na mga anak ni azucena ang iitim ng buto at budhi ninyo

  20. Bakit ba ang daming negative na comments about Bong at sa ibang mga Revilla sa Cavite? Good politicians ba sila sa Cavite? May marami ba silang nagawa doon?

  21. Pinaalis na ni Tatang Ramon Sr. ang kanyang anak na si ramona paalis ng bansa meron na rin siya allowance dun. Si Bong ang humahawak ke Ramona simula pa nung umpisa na naimbitahan ng pulis, wag niyang sabihin na hindi niya alam eh naka VIP si Ramona hehehe… Mapagkunwari? hehehe… AY sayang napakaganda sana ng labanan sa darating na eleksiyon para sa pagka Mayor dito sa Cavite. SI STRIKE REVILLA na kapatid ni Bong VS. RAMGEN REVILLA na kapatid ni RAMONA. Pero dahil WALA NA SI RAMGEN, kaya sigurado si Strike ulit ang bossing ng Cavite. Wala ng makakalaban ngayon si STRIKE kaya sigurado na naman ulit siya. Malamang si BRYAN REVILLA na anak ni Bong ang baka isasalang na pagka vice mayor….. hehehe….

  22. Gosh, tigilan na ninyo ang pagka-naive dahil sa panahon ngayon ay hindi na imposible ang ganyan istorya. magkakaanak na nagpapatayan tulad ng ama pinatay ng anak, ina pinatay ang anak o kapatid pinatay ng sariling kapatid dahil sa inggit at pagka-sakim. Agree ako sa sinabi ni neo na ang tunay na kalaban ay hindi nakikita at nariyan lang sila para maghasik ng kasamaan dahil alam niya na malapit na ang kanyang wakas. kaya naman tuwang-tuwa ang kaaway pag nananaig ang kasamaan kesa kabutihan.

  23. Kung gustong tumakas ni Ramona, bakit sensasionalized ang pag alis niya ? Nalaman kaagad ng media at kung talagang nagtatago siya, bakit naka bandana pa ng PULA. This is worst than putting a sign on her chest announcing her presence. Sigurado bang si Ramona ang nakita sa airport ? Tama si Tiger. Sino si bossing ?

  24. @eye of the tiger: ayw mng husghan cna RJ at ramona pro maliwanag p s skat ng araw ang pnghu2sga m s kmpo nna sen. Bong..HNDI M RIN ALAM ANG BUONG KTO2HANAN kya mghntay k n lng ng resulta ng imbstigasyon..ok??

  25. @maria, na bullseye mo…ang mga lalake kasi natural na mahilig manggigil kaya kailangan na may panggigigilan kung hindi eh magkaka-migraine sila…hihihi! . Dapat isipin rin ng mga KABIT ang welfare ng kanyang (mga) anak at hindi lang ang pang sarili nyang kapakanan.

  26. yan na naman ang style na depensa dyan di ba?, gawa ng doubt sa pag imbento ng isang “mysterious bossing” na siya mismo ang pinaka mastermind, (siyempre di malalaman kung sino yun) bakit hindi inimbestigahan yung ganung angulo?   Sa ganuon , mababaling at iaalis ang suspetsa sa dalawang kapatid oh eh di laya na. 

    Occam’s razor lang ang approach diyan dapat ng kapulisan- “The explanation requiring the fewest assumptions is most likely to be correct” pero syempre tsismoso mga pinoy daming haka haka

  27. pinaalis muna ni bong ung kapatid nya at nung siguradong nasa ibang bansa na saka sya naglabas ng statement. who are you fooling Mr. Revilla, Hayden Kho??

  28. Ang tunay na kalaban hindi nakikita. Sa mga nangyayari sa kapatid nating ito ay galing lahat sa taas at ito ay may mensaheng pinararating. eto ang mensahe nang Dios; “Kung hindi kayo magkaka-isa ang Pilipinas ay magiging libigan nyong lahat.”

  29. @eye of the tiger: ikaw ba ang nanay nila ram at pinagtatakpan mo ang iyong anak…

    kung d guilty si ramona matuto siyang harapin, ang paglabas niya ng bansa ay nangangahulugan ng kanyang pagtatago. Pabago bago ang statement niya, nagsisinungaling na paano pa siya paniniwalaan? Wag na rin tayong umasa aamin si ramona dahil marami naman sa kriminal na bistado na ay ayaw pa umamin. Sana mabigyan ng hustisyta si Ram. ang ginawa ng mga kapatid niya ay nakakahiya. Sinira nila ang apelyidong REVILLA or BAUTISTA. Nakakahiya!!!!!

  30. Genelyn should understand Bong’s situation. Yes, he’s the half brother of Ram, tha’s why he was there at once sa precint to lend help. But the worst scenario ay ang tunay na kapatid na ni Ram ang sinasangkot na mastermind. Kahit sino man ay maguguluhan sa pangyayari. Eh gusto nga nila hustisya sa mga pumatay, eh si RJ at Ramona ang tinuturo ng surfaced witness. Of course, Bong needs to put himself in a distance. As he said, he is the senator of the country, not for Revilla family. Besides Genelyn should take into consideration that her Mara lied sa 1st investigation, na she was abducted by the killers, and dropped in a mall somewhere in Las Pinas, then retracted that she wasn’t. Kaya naguluhan na ang lahat including Bong.

  31. Eyeofthetiger, may point ka. Subalit ang pagalis ng nag iisa papunta sa ibang lugar, ay senyales ng hindi maganda. Kkmatay lng ng knyang kapatid, pinatay at sya ay isa sa pinghihinalaan, kailngn muna nyang mlinis ang knyang pngalan. Bgo nya iwanan ang pagkkgulo. C bossing ay c rjhay wala ng iba. kung c janelle nga na nbaril at halos mmtay direcho ang pag iisip. Sya n nkligtas ni pasa wala sya p ang nawala sa tamang wisyo at ng ibaiba ng storya.. Titigan nyo c ramona npkagandang bata at mestisa pa. Pero.ang talim tumingin.

  32. Ayoko muna husgahan si ramona o si RJ kahit na tumakas siya palabas ng bansa o sabihin man ni bong na guilty siya o ng mga haka-haka ng tao na pinatay nila ang kuya nila. Sa ngayon ang importante ang MALALIM NA IMBESTIGASYON PARA SA KASO AT MAKULONG SI BOSSING NA ME UTAK SA PAGPATAY KE RAM. IKULONG ANG DAPAT NA IKULONG YUN ANG TUNAY NA HUSTISYA. SANA lang yung mga media naman wag masyadong magbabasa ng mga opinion ng tao na pampagulo lang sa kaso at saka sinusulat lang yung mga nababasa na opinyon mas lalong hindi na malalaman ang tunay na MASTERMIND sa kaso na yan.

  33. sadya talaga na ang mga tao ay likas na me pagka nerbiyosa/nerbiyoso dahil hindi lahat ng nagtatago ay guilty maaari rin na meron siya NALALAMANAN NA IKAKAPAHAMAK SA KANYANG BUHAY o ng kanyang pamilya, madali talaga maghusga ang tao kaya marami ang nabibiktima sa MALING AKUSASYON maraming nakukulong na INOSENTE, dahil nahuhusgahan na kaagad habang wala pa ang sapat at concrete na ebidensya pagkatapos pa ng mga mahigit 20 TO 30 years saka palang nalalaman na INOSENTE PALA YUNG TAO. Kaya dapat laliman ang imbestigasyon sa kasong ito lalong lalo na yung “BOSS” na sinasabi sa text message. Sino si BOSS? yun ang aabangan ng mga tsismoso. SINO NGA BA SI BOSS NA NAG UUTOS NA PATAYIN SI RAM? Sino si BOSSING?…….

  34. @Reglaconnanadetustaw, Oo nga no? yong pag-alis ni Ramona parang guilty sa nangyayari kasi kung wala kang kasalanan, ba’t ka aalis lalo na maraming pera si Ramon at maka afford ito ng big shot na mga lawyer at saka, kamamatay lang sa kapatid mo, nanduun ka sana sa pamilya mo nakilamay. At parang may balita daw na ni reretract daw nitong si Ramona ang estorya nya na kidnidnap daw siya after sa barilan kaya hindi sya nakabalik para tulungan ang girlfriend ni Ram para tumawag ng ambulansya. Nakakaluka ang mga ito.

  35. Ang labo nung comment nung isa, cno daw ang boss. C rjay at ramona ang suspects..c ramona po ay nkaalis ng bansa alam ng kpulisan. Khit cnong criminal pede umalis ng bansa bsta walng hold.departure. Gling sa pulisya.. Ang mgkptid n ngpptayan ngyyari tlga yan. S bible lng diba cain at abel.  Ang pgalis ni rmona sa pinas ay sign n guilty sha.. inconsistent ang sinasabi. Yan n yan ang criminal..

  36. @kahlua de sanfran, brilliant ang comment mo, agree ako sa yo. In the first place masama ang maging kabit, Walang moralidad ang mga kabit. Manunulot!!!!! period, walang comma.

  37. Walang karapatan ang kahit na sinong kabit na sisihin ang ama ng kanyang mga anak at pamilya kung hindi magkasya ang tinatanggap na sustento dahil na rin sa dami ng anak.. alam naman nilang hanggang kabit lang sila kaya hIndi sila dapat nagpalahi na parang baboy tapos magagalit sila sa tunay na pamilya.

  38. At Eye of the Tiger, sino ang pinasaringan mo na Boss? Sino ang ibig mong sabihin? Si Bong ba or kapamilya ba ni Bong ang Boss? Sorry hindi ko kasi makuha.

  39. Ano nga pala ang nangyari kay Jolo Revilla ? Talaga bang nagka migraine ito ? Matagal ring nawala. Bakiiiiiiit ?

  40. PINATAY SI RAM DAHIL TATAKBO SIYA SA PAGKA VICE MAYOR/MAYOR dito sa CAVITE. Bakit nga ba siya papatayin ng sarili niyang kapatid na iisa lamang ang kanilang ama at ina? Hindi naman inggit, hindi rin dahil sa pera dahil meron naman sila kanya-kanyang allowance galing sa father nila. KAHIT SA LOOB NG TAHANAN MERON TAMPUHAN SA MGA MAGKAKAPATID normal lang yun pero hindi mo papatayin mismo ang sarili mong kapatid dahil lamang nagtatampo ka sa kanya. ANG MOTIBO SA PAGPATAY KE RAM AY DAHIL SA USAPING PULITIKA, TATAKBO SIYA BILANG VICE MAYOR/MAYOR DITO SA LUGAR NAMIN AT MARAHIL MERON PUMIPIGIL SA KANYA NA MANALO SA ELEKSIYON DAHIL KUNG MANANALO SIYA MARAHIL ANG BUONG PAMILYA NI RAM NA NGAYON ANG MAGHAHARI SA CAVITE. NGAYON, PAPAYAG BA NAMAN ANG IBA PANG REVILLA NA MANGYARI YUN? PAPAYAG BA SILA NA ANG KAPATID SA LABAS EH SIYA NG MAGHAHARI? SA KASALUKUYAN ANG PAMILYA NI BONG ANG NAGHAHARI DITO SA CAVITE MERON NA RIN SILA BALAK NA TUMAKBONG KONSEHAL AT PAGKA MAYOR ang kanyang mga anak SA SUSUNOD NA MGA TAON? kailangan laliman ang imbestigasyon sa kung sino ba talaga ang pumatay ke RAM? AT KUNG SINO ang tinatawag nilang BOSS na gustong pumatay ke ram? Kung naalala pa ninyo hindi bat magpinsan sila ANDAL AMPATUAN AT SI MANGUDADATU? pero dahil yung pinsan tatakbo sa eleksiyon nanganganib na mabawasan sa kapangyahiran ang mga ampatuan…. pagdating sa kapangyahiran walang sinasanto kahit magpipinsan o magkaka mag- anak nagpapatayan…. bakit ba naman papatayin ni RJ ang sarili niyang kuya eh 18 years old lang siya? Siya ba talaga ang balak pumatay ke RAM NA sarili niyang kuya sa iisang INA o meron talaga “BOSSING” na pailalim kung kumilos hindi mo lang napapansin pero siya pala ang hudas. Dapat alamin ang “BOSS” na sinasabi sa text na nakuha nilang cellphone na gustong tumumba ke RAM. sino BOSS? abangan……

  41. Nabasa nyo ba ang bagong balita na nakalabas daw sa Pinas yong sister na allegedly involved sa pagkamatay kay Ram, Umalis daw papuntang HongKong at sinabi sa balita na may unidentified male escort daw ito sa airport. Ang tanong, kung under suspicion itong babaeng ito, bakit nakalabas at ano ang ginawa sa mga pulis at sino ang high ranking public official ang tumulong para makalabas ito? Di ba kung big and serious cases like this, they will inform the immigration right away para hindi makapag travel ang alleged involve until the investigation clears? Only in the Philippines, maraming kurakot, palakasan at mahirap magtiwala sa batas.

  42. Was she really convicted during that Famas scam? or was it just an alleged? Did she really serve her sentence or was she even sentenced at all? If she was not sentenced at all, would it be safe to say that because she knew the influential people, hence, she got away with it? It would be unfair to the little people like us if she was not sentenced (if and when she was found guilty that is) kasi if we make even little mistake from the law, we would have to suffer legally, pero yong iba dyan, can get away from doing dishonest, illegal and bad things. BAD LEGAL SYSTEM!!!!!!!!

  43. one sided ang column.
    halatang maka bong.
    di mo alam buong istorya kaya wag kang mag conclude ng pakampi kay bong revilla.
    mukha ka talagang pera.

  44. tumpak Lolit, alangan namang i-cover up ni Bong yong mga kapatid nyang suspects paano naman ang kapatid nyan nabiktima? yon siguro ang gustong tulong ni genelyn, sorry na lang ang hirap ng sitwasyon, di ba Bong

Leave a Reply

Your email address will not be published.