Ina ni Alfred Vargas, pumanaw sa sakit na cancer

Alfred-VargasNAKIKIRAMAY PALA ako at ang pahayagang ito kay Alfred Vargas at sa buong pamilya niya sa pagpanaw ng kanyang inang si Atty. Susana o Ching Vargas.

Namatay siya sa sakit na cancer at mabuti lang napaghandaan naman ni Alfred ang pagpanaw ng kanyang ina dahil matagal itong nasa hospital at nabantayan naman nila nang mabuti.

Dagsa ang mga kaibigan ng pamilya na nakiramay sa kanila.

Naabutan ko nga roon si Mikey Arroyo na mukhang apektado talaga sa pagkamatay ng ina ni Alfred. Close na close pala sila sa pamilya ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil matagal ding nagtrabaho si Atty. Ching sa Malacañang.

Ang inaabangan pala roon na pumunta sa burol ay si Mayor Herbert Bautista kasama si Kris Aquino siyempre, pero hindi naman pala magkasama ang dalawa.

Si Mayor Herbert lang ang dumating, pero walang Kris na kasama.

Ingat na ingat naman kasi sila na magpakita sa publiko, pero marami na talaga ang nagsasabing totoo ang napabalita tungkol sa kanila.

Siyanga pala, sa Sabado na iki-cremate ang ina ni Alfred. Kaya, sa mga gustong makiramay, puwede pa kayong pumunta.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Ina ni Alfred Vargas, pumanaw sa sakit na cancer

Leave a Reply

Your email address will not be published.