Ina ng sikat na singer actress, pinagbintangan ang sikat na komedyana na kumuha ng t-shirt ng anak niya!

KINSA SIYA? HINDI pa naman masyadong matagal ang kuwentong ito, pero ngayon lang lumabas dahil kinimkim ito ng napagbintangang komedyana. Sa isang umpukan daw, minsan isang gabi ay naikuwento na lang ito ni comedienne dahil wala na rin naman sa kanya ang mga pangyayari, kumbaga hindi na niya dinamdam.

Noong may isa pang teleserye itong komedyana kasama ang sikat na singer-actress, may nangyari raw na ikinaloka ng komedyana. Magkasama sila sa dressing room ng sikat na singer-actress, bale dalawa lang sila roon talaga at ang ibang artista ay sama-sama na sa ibang dressing room. Pack-up na raw sila pareho ng sikat na singer-actress kaya pareho na nilang ipinaligpit ang kanilang mga gamit.

Napuna raw nitong ina ng sikat na singer-actress na parang nawala ‘yung T-shirt ng anak niya. Ang ginawa raw nito ay ipinahalungkat ang mga gamit ng komedyana na hindi na lang kumibo dahil wala naman talaga ito sa mga gamit niya. Hindi raw natagpunan ng ina ni singer-actress sa kanyang mga kagamitan ang sinasabing nawawalang T-shirt kaya naman pati ang kanyang van ay pinahalungkat din nito. Sad to say, wala rin ito du’n.

Ini-report daw ito ng komedyana sa mga bosing ng kanilang istasyon para naman hindi na rin maulit pa. Nang malaman daw ito ng bestfriend ng komedyana, tumawag daw ito at ang sabi, “Best friend, gusto mo padalhan natin sila ng isang truck na T-shirt?” Pero umayaw na rin daw si komedyana at gusto na niyang matapos na ang kuwento.

At isa pang sad to say, napag-alaman ng komedyana na naiwan pala sa bahay ng mag-ina ang sinasabing T-shirt.

(By Arniel Serato)

 

loading...

25 thoughts on “Ina ng sikat na singer actress, pinagbintangan ang sikat na komedyana na kumuha ng t-shirt ng anak niya!

  1. May nalaman ako. Si develita ay 28 years old na taga-Batangas, 2nd high school lang ang inabot. Kaya pala mali-mali kung mag-English.

  2. kawawang sarah, kinakalakal ng mga magulang. kulang na lang i-booking kung kani-kanino. wag sana umabot pa sa ganun. sa mga magulang ni sarah, magbanat naman kayo ng buto ng hindi nyo pinapahirapan pa yang si sarah. nasa hustong edad na sya.

  3. kung totoo man to at yung sa cake issue… kakatawa… ahahahha… grabe namang ugali yun… cake lang?? T-SHIRT lang???? gosh… kakatawa talaga na nakakaawa na nakakainis. . .mabuti pa si mommy dionisia mas may breeding pa… nyahahha…

  4. tama si sarah at divina yan at sure si aiai yong napagbintangan, haha nakatingin nga lang daw si aiai kay divine nung hinahalungkat yung gamit nya na para bang sinasabi nya na cge halungkatin mo lahat mag sawa ka at nagulat na lang si aiai nung sinabi ni divine na pati sa van nya hahanapin din nila haha akala mo isang million ang presyo ng t-shirt di na nahiya si DIVINE eh divine pa panglan nya so heavenly pa naman. At yung sa mga cake naku super true as in walang tinira kahit isa kasi nilista nya lahat nang nagbigay kaya isa-isa nya ring ni roll-call papasok sa van nila at ayun pati si sarah halos di na magkasya sa van nakatakilid na kasi puno ng cake van nila, swapang na pamilya, di dapat tularan at hanga-an,

  5. Si divine ang ikakabagsak ni sarah.too greedy and selfish mother.pera lang ang gusto para sa bata.di nga pinapayagang maki bf eh.pati pag-aaral ni sarah eh deny.

    A piece of advice to sarah.may time na paglilipasan tayo ng fame.dont create bad future for yourself.you already given so much to your family,its time live to yourself.21(?) kana.manage your own earnings.hindi iniidolo ang sobrang katangahan.

    Payo kay divine,stop abusing sarah.maawa ka naman.anak mo yan.sobra sobrang tulong na ang binigay nya sa pamilya na DAPAT Kayo ang nagbibigay.

  6. BLIND ITEM : SARAH GERONIMO AND MOMMY DIVINE. KOMEDIYANA IS K BROSAS. MATAGAL NG BLIND ITEM ITO. MOMMY NI SARAH, NANGHALUNGKAT NG GAMIT. T SHIRT LANG, PARANG NAWALAN NG HERMES BAG, DI BA JINKEE ! NOONG BIRTHDAY NAMAN NI SARAH SA ASAP, ANG DAMING CAKE NA BIGAY NG SPONSORS AND FANS. LAHAT HINAKOT NI MOMMY DIVINE, INILAGAY SA SASAKYAN. SANA NAMAN NAG IWAN NG ILAN PARA PAGSALUHAN NG PRODUCTION STAFF AT IBANG ARTISTA NA NANDOON. ANO KAYA ANG GINAWA NILA SA ISANG DAMAKMAK NA CAKE. BAKA KASI BIHIRANG MAKATIKIM. LOSERS.

  7. mommy divine sarah geronimo, at ai ai delas alas yan.. pingalanan na yan ni cristy fermin sa radyo 5.. hinananp daw un bossini na tshirt ni sarah sa gamit ni ai ai. tpos nung nalaman daw ni kris un ngyare, nagsabi xa na papadalan na lang daw nia ng 1 truck ng bossini si divine.. haha

  8. sarah geronimo, mommy divine at ai ai delas alas yan.. pingalanan na yan ni cristy fermin sa radyo 5.. hinananp daw un bossini na tshirt ni sarah sa gamit ni ai ai. tpos nung nalaman daw ni kris un ngyare, nagsabi xa na papadalan na lang daw nia ng 1 truck ng bossini si divine.. haha

  9. heller – ang sabi “di pa masyadong matagal” – marunong ba tayo marunong umintindi ha ? ha? Malamang … (P) wedding tayo wedding hinde?

  10. matagal na nga yan kwento na yan,nanay yan ni Sarah at pinagbintangan ay si Ai-Ai…grabe talaga yan si aling Divine kapal ng mukha na pahalungkat gamit ni Ai-Ai higit pa sa T-shirt ang kayang ibigay ni Ai kay Sarah noh!!! At yun naman sa mga cake blind item yan ni Cristy sa Juicy na halos pinangalanan naman na lahat ng cake ay binilang at pinasakay lahat sa sasakyan nila sana di sila magka diabetis sa dami ng cake!!Mukhang si Sarah naman ay simple lang at baka bukas makalawa ay magrebelde na din dahil sa kasobrahan ng nanay nya…poor Sarah …

  11. I don’t think si Ai ai yung komedyana, takot lang ni Divine dun. At hindi basta tatahimik lang si Aiai baka talakan pa siya. Sarah and K Brosas sa teleseryeng flop “IDOL”

  12. hay  naku yang nanay ni si sarah super sikat sa tsismis yang mudrang divine na yan eh mas sikat pa sa anak nya bakit di sya magartista rin para magkapera sya di yang pati Tshirt ay pagbintangan ang kasama at search to the max pa ang ginawa ha kulang na lang ang P…….K ni komedyana ang i search ayon nasa balay pala nila eh kung hind ba naman ganid sa pera yang nanay nya lahat lahat kinukuwenta lahat tinatago at magbintang pa ha!! ay naku divine you will destroy your daughter career ito namang si sarah quiet lang eh nasisira sya I cant imagine tinago ni divine ang lahat cake na gift ng sponsors don sa ASAP ni di man lang nagbigay sa staff na kasama nya through the years na B I sya recently about this cake OMG shame on you divine di bagay name mo dapat  name mo rin is like mine DEVILITA  hak! hak! hak! sister advice bring with you K 9 dog para isang amoy lang makita na hinahanap mong gamit ng dyunakis mo at pati detector na rin at wag makishare si sarah  bring your own tent or bili mo si sarah ng motorhomes para di nakakahiya .

  13. madarak nga ni sarah geronimo yan si divina.. si ai ai yu ng komedyante.. gumawa kasi sila noon ng teleserye na “Bituin walang nining” noong 2005 or 2006.. bestfriend ng komedyana is eugene domingo..

  14. PIYOKISTANG PANGO+DIVINA GRACIA+AIAI SIS BUMBAY………….MAY SIRA TALAGA SA ULO SI DIVINA………………MGA PAKSTERS DIE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  15. Pingback: Ina ng sikat na singer actress, pinagbintangan ang sikat na komedyana na kumuha ng t-shirt ng anak niya! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.