Ina ng Pinaslang na 7-Anyos, Umurong sa Reklamo

IPINALABAS NA ng PNP ang resulta ng awtopsiya sa labi ng pitong taong gulang na batang naaagnas na nang matagpuan sa Naga City.

Ayon kay PO3 Toby Bongon, positibong hinampas ng matigas na bagay sa ulo at batok ang bata na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon naman kay Police S/Supt. Vicente Marpuri, chief of police ng PNP-Station 1, nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumudulog sa kanilang himpilan ang ina ng biktima upang pagtibayin ang kanyang reklamo laban sa pangunahing suspek na si Bryan Belga, na mismong live-in partner nito.

Samantala, at large pa rin si Belga habang nailibing na rin ang labi ng nasabing bata. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.