‘Ina Ng Bayan’ balik-pelikula kasama ang Ex-Battalion sa ‘Sons Of Nanay Sabel’

 

Ai-Ai delas Alas

Nagbabalik-pelikula si Ai-Ai Delas Alas dala ulit ang kanyang kakaibang “Motherly Love” na siguradong magpapakiliti at tutunaw ng inyong mga puso sa Sons Of Nanay Sabel.

 

Si Ai-Ai ay gaganap bilang si Sabel, isang dating bartender na nakatakdang ikasal sa isang prinsipe. Ngunit nalaman ng prinsipe ang ginawang pag-iwan ni Sabel sa kanyang anim na anak sa isang bahay-ampunan, at nagpasya itong huwag ituloy ang kasal.

Nagdesisyon si Sabel na hanapin ang kanyang mga anak at buuin ulit ang kanyang pamilya.

 

Ang mga anak ni Sabel ay gagampanan ng sikat na rap group na Ex Battalion.

Magiging riot ang pagsasama ni Sabel at ng kanyang mga anak sa iisang bahay, at mabubuo din ang pamilya ni Sabel na matagal na niyang pinangarap.

Ang Sons Of Nanay Sabel ay sinulat ni Mel Mendoza Del Rosario, na siya ding naghatid ng mga blockbuster hit na Tanging Ina trilogy, at Ang Cute ng Ina Mo.

Bukod sa mga patawa, may hatid din na mga bagong kanta ang Ex Battalion sa pelikula para sa kanilang mga fans. Ito ang “Sama-Sama”, “Huwag Siya” at “Bagong Umaga” featuring Ai-Ai na unang maririnig eksklusibo sa pelikula.

Mapapanood sa mga sinehan ang S.O.N.S sa May 1 mula sa Viva Films.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.