Ina Feleo, iwas pag-usapan ang lovelife

AS A PERSON, NAPAKA-PRIVATE ng personal life ni Ina Feleo kahit ang mundo ng showbiz ang kanyang kinagisnan. Pagdating sa lovelife, umiiwas ang dalagang mapag-usapan ito. Hindi man niya aminin, tipong hindi pa siya nai-inlove or nakikipag-relasyon. May mga nagpapalipad-hangin pero hindi ganoon ka-seryoso. Muntik na raw sana siyang magka-boyfriend kaya lang naudlot. May mga bagay-bagay na na-discover sila sa isa’t isa. Hindi na ipinaliwanag ng young actress kung ano ang dahilan. Pagdating kasi sa love relationship, napaka-ingat nitong pumili ng Mr. Right.

Base sa experience, ano nga ba ang pag-ibig para kina Ina, Jomari Yllana at Marvin Agustin?

“Ako, ang experience ng pag-ibig ‘yung bang pag-umabot sa point na kaya mong ibigay ang lahat sa taong mahal mo kaya puwede kong sabihin sa kanya, ikaw ang pag-ibig. Ilalagay mo na lang sa likod mo ‘yung sarili mong feelings para sa taong mahal mo. In my case, ‘yung family ko na like ‘yung kay Daddy (Johnny Delgado) doon talaga na-test ‘yung love ko kasi umaabot sa… takot na takot ka na para bang hindi mo kayang mawala ‘yung taong mahal mo. Nasa harapan mo, lalakas ‘yung loob mo at ibibigay mo ‘yung makakabuti sa kanya. Ibibigay mo na lang ‘yung words of encouragement na alam mong kailangan sa mga oras na ‘yun,” seryosong sabi ni Ina na naiyak nang mga sandaling ‘yun.

“Pag-ibig, it makes the world go round. During my younger years nagsusumikap magtrabaho para marating ang ating mga pangarap. Marami akong pag-ibig na maibibigay, pero sa ngayon wala akong nobya. Punong-puno ako ng pag-ibig wala nga lang mapagbigyan. Alam naman ninyo last relationship ko si Pops Fernandez. Hahaha!” Nagbibirong turan ni Jomari.

Para naman kay Marvin Agustin, “Pag-ibig sa akin ay isang emosyon na kapag dala-dala mo at iniyak mo, walang makakapigil sa gusto mong gawin. Napaka-pure ng intension mo, wala kang masasaktan sa magiging desisyon mo kung pagbabasehan sa gusto mong gawin, ‘yun.”

Inamin ng aktor na split na sila ng dati niyang non-showbiz girlfriend. Naka-focus na lang siya ngayon sa negosyo at pamilya, saka na lang daw ang lovelife. “Negosyante ako, napi-feel namin ito tuwing Pasko sa mga empleyado namin kasama ‘yung pamilya nila. Magpa-partners kami sa negosyo namin. Sabi namin, ang sarap, ilang pamilya ang napapasaya natin? Ang sarap isipin, ang dami naming natutulungan,” say ni Marvin.

“Ang sabi ko nga sa kanila, parang ang hirap kasi hindi naman ako sweet. Ano ako, mapagmahal sa pamilya pero sa ibang tao gini-gain muna ‘yung trust. Pero siguro pinaka-napapakita ‘yung pagmamahal ko bukod sa family, sa trabaho ko. Kasi ‘yung love sa trabaho buong-puso mo siyang ibinibigay kapag nandu’n. Like ‘yung actors – co-actress, lalong na-appreciate nila,” sambit naman ni Ina.

Kahit walang pasabog na eksena si Ina sa pelikula, matinding acting naman ang ipinakita niya. Umaasa na mananalo ng awards sa naiibang performance na ipinakita niya rito.

Diretsong inamin ni Marvin na umaasa siyang mananalo ng acting award sa Ikaw Ang Pag-ibig ni Marilou Diaz-Abaya. “Nagawa ko nang tama, hindi OA. Kasi, may pagka-OA akong umarte. Nanalo na rin po ako ng Best Actor sa Manila Film Festival at sa Film Academy of the Philippines sa film na“Kutob” with Rica Peralejo. Ako po, gusto kong manalo ng Best Supporting Actor, Best Actor, matagal-tagal na rin po,” say niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Ina Feleo, iwas pag-usapan ang lovelife

Leave a Reply

Your email address will not be published.