Ina at 3 anak, patay sa landslide sa Samar

APAT ANG PATAY habang pitong miyembro ng pamil-ya naman ang nawalan ng

tahanan sa bahagi ng Barangay Guinsorongan, Catbalogan, Samar matapos ang isang landslide kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay Rey Gozon, ang acting Regional Director ng Office of Civil Defense (OCD), kinilala ang mga nasawing mag-iina na sina Maricel Bulan 30-anyos at tatlong anak nito na sina Carlo Jr., 6; Carla, 4; at Marycarl, 2 taong gulang, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Sinabi pa ni Gozon na ang mga residente na nakaligtas sa pagguho ng lupa ang nakadiskubre sa bangkay ng mag-iina.

Habang nakaligtas naman ang ama ng tahanan na si Carlo Bulan, Sr. dahil nasa bayan ito ng Matuguinao, Samar kung saan namamalagi ng limang araw bilang clerk sa munisipyo bago umuwi sa kanyang pamilya.

Nakaligtas naman ang iba pang mga residente nang maramdaman na unti-unting gumagalaw ang kanilang mga bahay dakong alas-3:30 ng madaling-araw, na agad ginising ang iba pang mga kapit-bahay upang lisanin ang kanilang mga bahay subalit huli na umano para sa pamilya Bulan dahil nauna nang natakpan ng lupa at mga bato ang bahay ng mga ito.

Samantala, pansamantalang nanunuluyan sa dalawang palapag ng barangay hall ang pitong pamilyang nawalan ng tahanan o may kabuuang bilang na 42 katao.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.