In-coming NCRPO chief, kinakaladkad ng Jueteng lord

BAGAMAN HINDI PA nauupo bilang bagong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) si Director Jose Purisima, ginagamit na ang kanyang pangalan para manghingi sa mga gambling lords sa buong Metro Manila.

Sa nakalap na impormasyon ng Pinoy Parazzi, isang Allan Ma-nuela, Jueteng lord sa Antipolo at Taguig ang gumagamit sa pa-ngalan ni General Purisima.

Kinakausap umano ni Manuela ang mga gambling lords sa buong Metro Manila at tahasang sinasabi na siya na ang magiging kolektor ng heneral.

Kahit pa aniya ang Simbahang Katoliko na laban sa operasyon ng Jueteng ay hindi alintana ni Ma-nuela, dahil bahala raw sa kanya si General Purisima.

Isang Sarhento Allen Manuela ang trouble shooter sa operasyon ng jueteng ni Allan Manuela.

Hindi sinabi ng source ng Pinoy Parazzi kung magkamag-anak sina Allan at Allen dahil sa pagi-ging pareho ng kanilang mga apelyido.

Kahit kay Pangulong Noynoy Aquino ay umano hindi takot si Manuela dahil “alas” niya si Ge-neral Purisima.

Gumagalaw na rin daw sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area si Manuela at sinisimulan na u-manong makipag-ugnayan kina Caloocan City Jueteng Lord R. Ramirez at M. Echiverri at mga club owners na nagpapalabas ng mga bold shows at torohan. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.