In-ambush sa SPA Brgy. Chairman, sugatan; 2 bodyguard, todas

HIMALANG NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang barangay captain makaraang magtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng braso habang nasa loob ng SPA, kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Juan, San Miguel, Bulacan habang napatay naman ang dalawang bodyguard nito.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Gen. Alejo Santos, sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga napatay na bodyguard sina Josefino Alvarez, 37 anyos, ng Brgy. Sta Ines; at Roel Vidal, 52 anyos, ng Brgy.Tibagan, habang nakaligtas naman si Brgy. Chairman John Bong Alvarez, 39 anyos, ng Brgy. Sta. Ines sa bayang ito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Supt. Julius Domingo, dakong ala-6:20 ng gabi nang maganap ang barilan sa nabanggit na lugar.

Nabatid na lulan ng dalawang motorsiklo na walang plaka ang mga suspek na armado ng (M-16) infant baby armalite rifle at cal.45 ang mga suspek, kung saan walang sabi-sabing pinaputukan ang mga biktima sa nabanggit na establisim-yento.

Ayon sa report kasalukuyang nagpapa-facial si Alvarez nang umalingaw-ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril, kung saan nakaganti pa ng putok ang dalawang biktima bago ito nalagutan ng hininga.

Bunsod nito lumilitaw rin sa paunang imbestigasyon na posibleng pulitika ang dahilan ng tangkang pagpatay sa biktima dahil plano umano nitong lumaban bilang alkalde sa nabanggit na bayan sa darating na 2013 mid-term election.

(TONY  DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.