Implementing agencies sa PDAF scam, hahabulin

MAGHAHAIN NG isang resolusyon si Sen. Miriam Defensor-Santiago para palawakin ng Se¬nate Blue Ribbon Committee ang pagsisiyasat sa PDAF scam at isama sa mga sisilipin ang pananagutan ng mga implementing agencies hanggang 2013.

Sinabi ng mambabatas na ang mga pinuno ng ilang implementing agencies ng mga programang pinondohan ng pork barrel funds katulad ng Technology Research Center (TRC), National Agribusiness Corporation (NABCOR), at Muslim Youth Foundation ay “equally guilty” ng mga mambabatas na nakagawa umano ng plunder o malversation ng PDAF.

Hind aniya dapat pina¬yagan ng mga implementing agencies ang mga tiwaling pulitiko na paboran ang ilang non-government organizations.

Dapat aniyang naghanap ng sariling pondo ang mga NGOs katulad ng international donors, international financing institutions, corporate donors, at hindi kumuha ng pondo mula sa PDAF.

Inihayag pa ng senadora na sa ngayon ay lumalabas na walang ahensiya ng pamahalaan ang nagmo-mo¬nitor ng ‘flow’ ng public funds sa mga NGOs lehitimo man o hindi.

Ayon pa rin kay Santiago, karamihan sa mga implementing agencies ay hindi nilikha ng Kongreso kundi mga subsidiary corporations ng mga kasalukuyang departamento o government-owned corporations.

Nangako naman ang senadora na bilang kasapi ng komite, titingnan niya mismo ang pananagutan ng mga head ng implementing agencies.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.