Implementasyon ng RH Law, Pinigil ng SC

NAGLABAS NG status qou ante order (SQA) ang Korte Suprema upang pigilan ang implementasyon ng kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Law.

Kaugnay nito, sa bo-tong 10-5 nagkasundo ang mga mahistrado na pigilan ang implementasyon nito.

Nabatid na una na ring nag-isyu ng apat na buwang status quo ante order ang mga mahistrado matapos ang isinagawang en banc session.

Itinakda rin ng Supreme Court (SC) ang oral argument para sa usapin sa Hunyo 18, 2013.

Una rito, simula na sanang ipatupad ang Reproductive Health Act sa Pasko ng Pagkabuhay.

Mahigpit namang kinontra ng Simbahan ang natu-rang batas at nangangampanya pa laban sa ilang mga kandidatong nagsulong nito.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nataon lamang na Araw ng Pagkabuhay ilalabas ang implementing rules and regulations (IRR) ng batas.

Sinabi ni Valte na sana ay hindi naman ito makulayan at nakapaloob din sa batas ang palugit para sa implementasyon.

Samantala, hindi rin daw mababago ang nilalaman ng batas at “straight forward” ang IRR.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.