Impeachment Vs SC justice – Rep. Reyes

NAGBABALA SI Marinduque elected Rep. Regina Reyes na kanyang sasampahan ng impeachment case si Supreme Court (SC) Justice Presbitero Velasco Jr. dahil sa paggamit umano nito ng impluwensya para sa anak na si re-electionist Lord Allan Jay Velasco.

Maaalala na naglaban sa congressional seat sa lalawigan ng Marinduque sina Reyes at ang nakababatang Velasco noong nagdaang eleksyon.

Pero nahalal si Reyes at naiproklamang nanalo

subalit ilang araw lamang ang nakakalipas ay idineklara naman ng Commission on Elections (Comelec) na “null and void” ang pagkakapanalo ng lady solon dahil sa pagiging US citizen nito na labag sa mga alituntunin bilang elected official.

Naniniwala ang mambabatas na ginamitan ng puwersa ng nakatatandang Velasco ang kaso ng anak para maglabas ng ruling ang Comelec na pabor sa kanilang panig.

Samantala, ang nasabing impeachment case ay inaasahang ihahain sa pagsisimula ng 16th Congress.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.