Impeachment kay PNoy, pag-aaralan pa

PAG-AARALAN PA ng Makabayan bloc sa Kamara ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi ng grupo na naniniwala sila na nakagawa ng impeachable offense ang punong ehekutibo dahil sa Disbursement Acceleration Program o DAP kabilang ang culpable violation of the constitution at betrayal of public trust, pero kailangan pa umano ng mas malalim na pag-aaral sa legal at political grounds kung uubra ang paghahain ng impeachment laban dito.

Nanindigan pa rin ang Makabayan bloc na unconstitutional ang DAP Dahil ipinatupad ito gamit ang pondong idineklarang savings ng mga ahensiya kahit hindi pa tapos ang taon ay ini-realign na ang pondo sa mga proyektong wala naman sa pambansang budget.

Hinamon pa ng grupo ang Kongreso na ipawalang-saysay ang circular ng budget department na lumikha ng DAP, palakasin ang ‘no impoundment provision’ ng General Appropriations Act (GAA) at buwagin ang lahat ng ‘lump sum discretionary funds’ ni PNoy.

Samantala, ang Makabayan bloc ay binubuo nina Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate (Bayan Muna), Luz Ilagan at Emmie de Jesus (Gabriela), Antonio Tinio (ACT teachers) Fernando Hicap (Anakpawis) at Terry Redon (Kabataan).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.