IMPEACHMENT KAY MERCY, KASADO NA SA KONGRESO

KASADO NA SA Kongreso ang isinusulong na impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, ma-tapos na madetermina ng House committee on justice sa pamumuno ni Iloilo Rep. Neil Tupas sa may dalawang oras at kalahating diskusyon kahapon, na may ‘sufficient grounds’ ang dalawang complaint na inihain laban kay Gutierrez.

Sa ikalawang impeachment complaint na isinampa ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes Jr. laban kay Gutierrez kaugnay ng pagkabigo nitong habulin ang nasa likod ng P728-million fertilizer fund scam noong Aug. 3, 2010, pumabor dito ang justice committee sa botong 42-12.

Nauna rito, bumoto rin ang justice ng 41-12 pabor sa unang complaint na isinampa nina dating Akbayan partylist Rep. Risa Hontiveros, nakalayang rebel officer na si Danilo Lim, mga magulang ng nasawing Navy Ensign Phillip Pestaño noong July 22, 2010. Inaakusahan nila si Gutierrez ng ‘betrayal of public trust’ at paglabag sa Konstitusyon dahil sa sinasabing “dismal and unconscionably low” na pagganap sa tungkulin sa pag-convict sa korap na opisyal na gobyerno, at ang pagkabigo nito umano na magdesisyon ng tama sa mga kasong isinampa kaugnay sa kontrobersiyal na ZTE broadband deal.

Itinakda na rin ni Tupas ang susunod na pagdinig sa mga araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes, kung saan inaasahang madedetermina na kung may ‘probable casue’ para ipagpatuloy ang impeachment case.

Target ni Tupas na mapagbotohan na ng Kongreso ang impeachment case bago mag-recess sa Marso 24. One-third na boto lang 283 miyembro ng Kongreso ang kinakailangan para maiakyat ang kaso sa Senado para sa paglilitis, na inaasahan nang mangyayari dahil majority ng mga congressman ay kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino, na naghahangad na makapag-appoint ng bagong Ombudsman.

(Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.