Impeachment kay Gutierrez: Kongreso, kumpiyansang papayagan ng SC

KUMPIYANSA ANG HOUSE of Representative na makikinig ang Korte Suprema para itaas ang motion ng status quo ante order na pahintulutan ang pagdinig sa impeachment complaint na isinampa laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ang nasabing pagdinig ay pangungunahan nina Solicitor General Jose Anselmo Cadiz at former Supreme Court Justice Vicente Mendoza sa isang oral argument na nakatakda sa ika-2:00 ng hapon.

Naghain ng reply ang justice committee noong Setyembre 30 sa korte hinggil sa petisyon ni Gutierrez na ihinto ang proceedings, sa pagsasabing mayroong “grave abuse of discretion” sa parte ng mga mambabatas at nagsasabing paglabag ng komite sa konstitusyon sa pag-istima nito sa dalawang impeachment complaints laban kay Gutierrez.

Ang House panel ay binubuo nina Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas, vice- chairman ng komite, parehong kakatawan bilang mga intervenors. Naghain si Belmonte noong Lunes ng motion to intervene na uusisa sa Korte na itaas ang status quo ante order at bigyang-respeto ang kapangyarihan ng Kapulungan sa pagsisimula ng impeachment case.

Si Marvic Leonen, government chief peace negotiator at Dean of the College of Law ng University of the Philippines ang kakatawan kay Belmonte sa gaganaping oral argument.

Handang makipagtalo si Leonen sa komite malutas lang lahat ng isyu na nilikha ng Ombudsman.

“These are political questions that should be settled first in the committee, once it is settled, only then it becomes justiciable issue that can be raised before the Supreme Court,” ani Leonen.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.