Impeachment kay Corona, Puwedeng May Epekto sa RH Law

 

NANINIWALA ANG Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na posibleng may epekto sa nangyaring impeachment kay dating Chief Justice Renato Corona ang magiging desisyon ng mga mahistrado kaugnay sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Law.

 

Sinabi ni Fr. Castro, na maaaring nangingibabaw pa sa mga mahistrado ang impeachment ni Corona na mistulang nagmumulto sa kanilang isipan sa oras na sila ay magpasya tungkol sa legalidad ng batas.

 

Binigyang-diin din nito na ang naganap na impeachment kay Corona ay kasunod ng naging desisyon noon ng Supreme Court na ipamahagi na ang Hacienda Luisita, ang lupaing pag-aari ng angkan ni Pangulong Noynoy Aquino III sa mga magsasaka.

 

Samantala, umaasa pa rin ang CBCP na magiging independent ang mga mahistrado para magdesisyon sa usapin.

 

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.