Impeachment Court, Nananatiling Patas – Enrile

IPINAGTANGGOL NI Senate President Juan Ponce Enrile ang kapwa senador-judges laban sa mga akusasyon na nagiging bias sila sa prosekusyon sa impeachment proceedings sa kaso ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Enrile na siya ring presiding officer ng impeachment court, wala siyang nakikitang paglabag sa impeachment rules sa paraan ng pagtatanong ng mga hurado kaugnay sa mga iniharap na testigo ng prosekusyon kamakalawa.

Karapatan aniya ng mga kapwa senador na magtanong sa mga inihaharap na testigo na bahagi ng kanilang trabaho para malaman ang katotohanan sa kaso ng nasasakdal.

Nabatid na napiga rin ni Sen. Franklin Drilon ang clerk of court ng Korte Suprema na si Atty. Enriquetta Vidal kung saan napilitan itong isumite sa impeachment court ang kopya ng SALN ni Corona matapos ang masinsinang katanu-ngan ng nasabing senador.

Hindi naman ikinabahala ng Senado ang posibilidad ng paglabas ng temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa impeachment proceedings ng impeachment court.

Binigyang-diin ni Enrile na tanging ang Senado lamang ang nag-iisang may kapangyarihan para dinggin sakaling may isinampang impeachment case laban sa impeachable official ng pamahalaan tulad ng ginagawa nila ngayon sa kaso ng punong mahistrado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Impeachment Court, Nananatiling Patas – Enrile

  1. THE GREEDY COJUANGCOS:

    If Corona gets convicted by the impeachment court, and the new chief justice would be “friendlier” to Malacañang, it will only be a matter of time for the President’s family members to get no less than P5 billion. It will be like winning the lottery.

    The Cojuangcos claim in their motion for reconsideration that just compensation should be based on 2006 values, which would put the land at P1 million per hectare instead of P40,000 per hectare.

    Are the Cojuangcos that lucky? Hacienda Luisita has already been connected to an expressway. It has business enterprises, malls and restaurants to its name.

    And if a new chief justice is appointed, what will happen to the decision for the Cojuangcos to turn over P1.3 billion to their tenant-farmers? It’s all too clear now. The Cojuangcos will prevail, justice be damned!

    –Emil Jurado, Manila Standard

Leave a Reply

Your email address will not be published.