Impeachment Complaint Laban sa 8 Mahistrado ng SC, Malabo – Angara

KINUMPIRMA NI prosecution spokesman Rep. Sonny Angara na malayong maghain ng impeachment complaint si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas at mga kasamahan laban sa walong mahistrado ng Supreme Court na pumabor sa temporary restraining order (TRO) para harangin ang dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Angara na hindi madali sa kanila ang pagsabay-sabay ng impeachment complaints lalo na’t naka-tuon ngayon ang kanilang pansin sa impeachment case laban sa punong mahistrado.

“Palagay ko hindi na, sapagka’t alam naman ni Rep. Fariñas na mahirap ang sabay-sabay na impeachment complaints. Du’n naman sa walong justice, ito lang pagpasok sa impeachment sa Senado kay CJ Corona sa tingin ng iba ay hindi nararapat, sa tingin ko malayo pang usapin ‘yan,” ayon kay Angara.

Una nang kinumpirma ni Fariñas na sasampahan nila ng impeachment case ang walong mahistrado na pumabor sa TRO para sa pagbubukas ng dollar accounts ng punong mahistrado.

Kinontra rin ni House Speaker Feliciano Belmonte ang balak ni Fariñas na ipa-impeach ang walong mahistrado.

Wala siyang nakikitang sapat na dahilan para gawin ang pagpapatalsik sa nasabing justices na gumagawa lang naman ng kanilang trabaho, ani Belmonte. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.