Immigration at Visa Policy sa Foreign Humanitarian, Niluwagan

PINABORAN NG Bureau of Immigration (BI) ang mungkahing pagluluwag sa immigration regulations para sa foreign humanitarian workers at humanitarian/relief volunteers na tutulong sa mga biktima ng kalamidad.

Sinabi ng BI na ang anim na buwang validity ng passport ay hindi na obligado.

Kinakailangan na lang umano ng mga ito ng official endorsement mula sa kanilang gobyerno, embahada o international organization na kinabibi-langan.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nag-waive na ng ilan sa kanilang visa policy.

Samantala, inaasa-hang mas magiging madali ang pagpasok ng foreign humanitarian workers na ipararating sa mga Pinoy ng iba’t-ibang bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.