Iminulat kasi ng young actress… Jason Abalos, muling binuhay ni Jewel Mische?

NAKIKITANG PARATING MAGKASAMA ngayon sa paglabas-labas sina Jewel Mische at Jason Abalos? Sabi kasi ng mga tsismosa eh, malaki raw ang pasasalamat ng aktor sa young actress dahil ito raw ang naging daan upang muling mabuhay ang kanyang… pananalig sa Diyos at muling mapalapit sa ating Dakilang Lumikha.

Umamin si Papa Jason na mula noong pinasok niya ang showbizlandia eh, naging malayo na siya sa Diyos at si Jewel nga lang ang muling nakapaglapit sa kanya Dito nang inimbitahan siya ng dalaga na magtungo sa church. Talaga?

Ayon pa rin sa aktor, very good influence sa kanya si Jewel kaya hanggang ngayon, tina-try pa rin daw ng binata na um-attend sa church’s service at least once a week. Good boy! Ang tanong ng bayan eh, kung may chance ba na maging sila in real life ni Jewel? Hmmm… maaari kayang sumagot dito si Captain Barbell?

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Iminulat kasi ng young actress… Jason Abalos, muling binuhay ni Jewel Mische?

Leave a Reply

Your email address will not be published.